Main menu

Mga kailangan para sa SGLG award 2017, pinaghahandaan na

Published by admin on Thu, 02/02/2017 - 09:48

Sinisimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr. ang paghahanda sa mga kakailanganing dokumento at iba pang rekisitos para sa 2017 Seal of Good Local Governance (SGLG) Award na ipinagkakaloob ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kada taon.

Layunin ng SGLG awards na  mapaghusay ang pamamahala ng mga lokal na pamahalaan upang higit pang maitaas ang kalidad ng pagkakaloob ng serbisyo sa mamamayan.  Tatlong beses nang nakatanggap ng nabanggit na parangal ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa administrasyon ni Gob. Umali simula nang ito ay maupo bilang Punong Lalawigan.

Narito ang kabuuang resulta ng nakuhang grado ng lalawigan sa SGLG sa pinakahuling natanggap nitong award:

  1. Financial administration    `                        -  48%
  2. Disaster preparedness                             -   23%
  3. Social protection                                      -   36%
  4. Business-friendliness & competitiveness   -   53%
  5. Peace and order                                      -   66%
  6. Environmental management                      -   82%

Sa pagpupulong ng Management Committee (ManCom) kamakailan, inimbitahan ni Provincial Administrator Nelson B. Melgar si DILG Provincial Director Juanito D. Olave, Jr. upang ipaliwanag ang bagong requirements para sa SGLG.

Iprinesenta muna ni PD Olave ang mga resulta ng pagtatasa sa bawat indicator para sa Oriental Mindoro.  Pagkatapos nito, ibinahagi niya ang mga rekomendasyon at suhestyon hinggil sa pagli-level-up ng indicators para sa SGLG 2017.

Binanggit din ni PD Olave na ang combination option para sa 2017 ay 4 + 1.  Magiging apat na ang core assessment area kabilang ang peace and order at isa pang upgraded essential area.

Kasama, aniya, ang Oriental Mindoro sa 19 na probinsyang nakatanggap ng nabanggit na parangal.  Nakapasa ang lalawigan sa tatlong core assessment area na financial administration, disaster preparedness at social protection at tatlo pang upgraded essential area tulad ng business-friendliness and competitiveness, environmental management and peace and order, ayon pa kay Olave.

Binigyang-diin naman ni PA Melgar na kailangan ang pakikiisa ng lahat ng tanggapan sa Kapitolyo upang makuha ulit ang karangalan.  "Let's put our acts together", dagdag pa ni PA Melgar. (Communication and Public Relations Services Division/Office of the Governor) Visit us and log on www.ormindoro.gov.ph. or like our Facebook page Oriental Mindoro-PIO