Main menu

Planong Batangas – Mindoro superbridge nakasama sa priority projects ng Pangulo

Published by admin on Thu, 02/02/2017 - 09:46

Malaki ang posibilidad na matuloy ang pinapangarap ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr. na mapalagyan ng tulay ang isla ng Mindoro patungong  Batangas.

 

Ayon kay Gob. Umali, sa pakikipag-usap niya kay Secretary Benjamin E. Diokno ng Department of Budget and Management (DBM), isinama sa priority projects ng administrasyong Duterte ang Batangas – Mindoro Superbridge dahil prioridad ng Pangulo sa kanyang administrasyon ang malalaking proyekto.

 

Dagdag pa ng Gobernador, may mga foreign financing institution ang nagpahayag ng interes  sa naturang proyekto.  Kasama na rito ang grupo ng mga Tsino na nag-o-offer lamang, aniya, ng mababang interes.

 

Kaugnay nito, pinatotohanan din ni Mayor Maria Fe Brondial, pangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP)  sa administrasyong Duterte  ang naturang impormasyon sa pakikipanayam dito ng grupo ng media kamakailan. (Communication and Public Relations Services Division/Office of the Governor) Visit us and log on www.ormindoro.gov.ph. or like our Facebook page Oriental Mindoro-PIO