Main menu

Limang team ng NEA, tumulong para sa power restoration

Published by admin on Thu, 02/02/2017 - 09:45

Sa kabila ng mabilis na pagkilos ng Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO)  noong katatapos ng bagyo noong Disyembre 26,  hindi pa rin nagawang maibalik kaagad ang kuryente sa ilang mga bayan sa lalawigan partikular sa  mga bayan ng Puerto Galera at Naujan.

     

Batay sa report ng damage ng bagyong Nina sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na iniulat sa isang press conference na ipinatawag ni 2nd District Representative Reynaldo Umali, pinakamaraming bahay ang nasira sa bayan ng Puerto Galera. Dito rin may mga naidokumentong  landslides sa mga lugar na ang ilan ay may  mga nakatirik na bahay.

 

Noong ipatawag ang naturang press conference, nasa 75% pa lamang ng  elektrisidad sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ang naibabalik. Marami pa ang wala pa ring kuryente partikular  sa mga bayan ng Puerto Galera at Naujan na ang linya ng kuryente ay kapwa nakadepende sa 69 KV.  Dahil dito, kinomisyon ni 2nd District Rep. Umali ang limang team mula sa MERALCO na maipadala sa lalawigan upang tumulong sa ORMECO at iba pang electric cooperative na nasa lalawigan.  Ito ay upang mas mapabilis pa ang pagsasaayos ng kuryente at pagpapanumbalik nito para sa 100% power restoration sa lalawigan.

 

Ayon naman kay ORMECO General Manager Patrocinio M. Panagsagan,  may  295 poste ang naitumba ng bagyong Nina sa lalawigan samantalang umaabot sa P7.3 milyon ang paunang naiulat sa kanilang damage sa elektrisidad.  (Communication and Public Relations Services Division/Office of the Governor) Visit us and log on www.ormindoro.gov.ph. or like our Facebook page Oriental Mindoro-PIO