Main menu

Dahil sa bagyong nina Pagpuputol at pagluluwas ng cocolumber sa lalawigan pansamantalang pinatigil

Published by admin on Thu, 02/02/2017 - 09:44

Iniutos ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr. ang pansamantalang pagpapatigil ng pagpuputol at pagluluwas ng mga coco lumber sa lalawigan sa pamamagitan ng Executive Order no. 85. Ito ay sa kadahilanang madaming punong niyog ang nasalanta sa nakaraang bagyo na halos ikaubos nito.

May nasa 150,000 board feet na puno ng niyog ang nasira. Kung susumahin, malaki ang nasira sa industriya ng niyog sa lalawigan na isa sa malaking nag-aambag sa ekonomiya ng Oriental Mindoro.

Sa bisa din ng EO no. 85, binuo ang Task Force na naglalayong pansamantalang ipatigil ang pagpuputol at pagtatransport ng mga coco lumber. Sa pagbuo ng Task Force na ito, maaaring makipagtulungan at makipag-ugnayan ang mga ito sa mga iba’t ibang ahensya upang mapigil ang mga pagpuputol at pagluluwas na walang pahintulot mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

Ayon pa kay Provincial Administrator Nelson B. Melgar, mas dapat pang higpitan ang pagbibigay ng Permit to Cut ng cocolumber operators nang sa gayon ay mas higit na makinabang ang mga Mindoreño. (Communication and Public Relations Services Division/Office of the Governor) Visit us and log on www.ormindoro.gov.ph. or like our Facebook page Oriental Mindoro-PIO