Main menu

Mahigit 2,000 katao nakinabang sa KPSM SOM sa Socorro

Published by admin on Thu, 02/02/2017 - 09:43

Umabot sa 2,012 na indibidwal ang naging benepisyaryo ng iba’t ibang serbisyong panlipunan sa isinagawang Kapitolyo Para sa Mamamayan (KPSM) Serbisyo Ora Mismo ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr. sa bayan ng Socorro kamakailan.

Pinamahalaan ng tanggapan ni Executive Assistant IV Dr. Romeo G. Infantado ang naturang programa na ginanap sa municipal gymnasium, katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaang nasyunal at pribadong sektor.

Nasa 518 indibidwal ang napagkalooban ng libreng konsultasyong medikal, 110 naman ang libreng nabunutan ng ngipin at 501 katao ang nabigyan ng libreng gamot. 

Ang mga serbisyong medikal at dental ay pinangasiwaan ng Provincial Health Office na pinangunahan ni Chief of Hospital Dr. Marpheo E. Marasigan ng Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH), sa pakikipag-ugnayan sa Socorro Municipal Health Office, Oriental Mindoro Medical and Dental Societies at sa Regional Health Services ng Philippine National Police (PNP).

Pinangunahan naman ni EA Infantado ang ginawang soup kitchen sa Socorro Central School kung saan 668 kabataang estudyante ang nabiyayaan.

Namahagi rin ng certified seeds ng iba’t ibang gulay ang Provincial Agriculturist's Office (PAgO), 42 kababaihan ang nabigyan ng brochure at naging kabahagi sa film viewing ng mga livelihood program ang hatid ng Provincial Tourism Investment & Enterprise Development Office (PTIEDO), 80 indibidwal naman ang naging kliyente ng Philhealth samantalang libreng legal na konsultasyon ang kaloob ng Provincial Legal Office (PL0).

Namigay ng sports equipment sa tatlong sekondarya at 22 elementaryang paaralan at 53 mag-aaral sa sekondarya ang pinagkalooban ng tulong pinansyal ng Education and Employment Services Division, Office of the Governor. (Communication and Public Relations Services Division/Office of the Governor) Visit us and log on www.ormindoro.gov.ph. or like our Facebook page Oriental Mindoro-PIO