Main menu

309 Mindoreño, nagtapos sa LSI

Published by admin on Thu, 02/02/2017 - 09:43

Muli na namang nakapagpatapos ng ilang batch ng mga Mindoreño ang Language Skills Institute (LSI) ng Pamahalaang Panlalawigan na kumuha ng English Language Learning Program kamakailan.

Ang LSI ay isang pang-edukasyong institusyon sa Kapitolyo na nangangasiwa ng Learning Language Program para sa mga guro, job-ready workers, mga propesyunal at maging sa mga kabataang estudyante.  Nasa ilalim ito ng pamamahala ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr. bilang Chairman, Bise-Gobernador Humerlito A. Dolor, Vice-Chairman at myembro sina Provincial Administrator Nelson B. Melgar at Sangguniang Panlalawigan Chair on Labor, Employment, Tech-Voc & Human Resource Bokal Ramil O. Dimapilis.

Sa graduation ceremonies na ginanap sa Bulwagang Panlalawigan ng Kapitolyo, iprinisenta ni LSI Programs Coordinator Olivia L. Palomaria ang 309 na mga nagsipagtapos.

Pinangunahan ni Gob. Umali kasama sina Bise-Gob. Dolor, Provincial Social Welfare & Development Officer Zarah C. Magboo,  mga kinatawan ng DepEd at PNP ang paggawad ng sertipiko ng pagtatapos sa  25 public school teachers na nakakumpleto ng Advanced Course in Competitive English for Teachers (ACCENT), 159 na job-ready workers na kinabilangan ng 1st batch mula sa Mansalay at 2nd batch ng Philippine National Police (PNP)  na nakapagtapos ng English Language Proficiency (ELP) at gayundin ng 125 na bata edad pito hanggang 12 na 1st batch ng English for Kids summer class.

Pinagkalooban ng plake ng karangalan si PO2 Maria Reah D. Peria ng PNP bilang Most Outstanding DynEd Achiever of the Year samantalang Outstanding graduates naman  Shaira Liezl Cruel, Michelle Jimenez ng PNP at Jennifer Manalo.

Nagpahayag naman ng pasasalamat at pagpapahalaga sa LSI ang mga piling mag-aaral na sina Kristel Charisma L. Jumanoy, PO2 Peria, SPO1 Abubukar P. Guludah at Johann Karl R. Africa

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin naman ni Gob. Umali ang mga tunguhin ng LSI.  Mahalaga, aniya, ang mga programang ipinagkakaloob  at habang siya ang namumuno ay magtuluy-tuloy ang LSI sa lalawigan.

"Our goal is to introduce the English language in our daily conversations for our government employees and the private sector to improve communication skill and writing skills and personality development and to produce productive and smart individuals among our young citizens and kids", ayon pa kay Gob. Umali.

Ayon naman kay Bise-Gob. Dolor, sa lahat ng 15 LSI sa 16 na rehiyon sa bansa ay pinamamahalaan ng Technical Education & Skills Development Authority (TESDA), ang LSI Oriental Mindoro lamang ang tanging pinamamahalaan ng lokal na pamahalaan.

"Before our term ends, we will make sure that the institutionalization of the program will become a reality so that whoever comes into power at the helm of the Provincial Government come 2019 and beyond, the program will always remain because of the benefits people can derive from it", dagdag pa ni Bise-Gob. Dolor.      

Nagpaabot din ng mensahe ng pagkilala at pagbati sa mga nagtapos sina Coordinator for External Linkages Dr. Vilma V. Manansala na kumatawan kay MINSCAT President Dr. Jesse T. Zamora at Chief of Strategy Management Unit Police Inspector Socrates E. Faltado na kumatawan naman kay PNP Regional Director Police Chief Superintendent Wilben M. Mayor.

Dumalo rin sa gawain sina Division Coordinator for Special Programs & Projects Joseph F. Jambalos bilang kinatawan ni Superintendent Dr. Maria Luisa D. Servando ng DepEd Oriental Mindoro Divison, English Education Program Supervisor Felix M. Famaran na kinatawan ni Superintendent Susana M. Bautista ng DepEd Calapan City Division, Executive Assistant IV Dr. Romeo G. Infantado, Officer-in-Charge Althea F. Agutaya ng Office of the Provincial Accountant at Supervising Administrative Officer Maria Fe A. de Leon ng Communication & Public Relations Services Division, Office of the Governor.

Samantala, naging katuwang ng LSI sa taong ito ang Division of Oriental Mindoro at Calapan City Division ng DepEd, MINSCAT, PNP PRO MIMAROPA, Municipal Government of Mansalay at PSWDO. (Communication and Public Relations Services Division/Office of the Governor) Visit us and log on www.ormindoro.gov.ph. or like our Facebook page Oriental Mindoro-PIO