Main menu

MISS MANSALAY, NAGWAGING MISS ORIENTAL MINDORO 2016

Published by admin on Mon, 11/28/2016 - 11:30

Muling napatunayan ang ganda at galing ng mga kababaihang Mindoreño sa ginanap na search for the Miss Oriental Mindoro 2016 noong Nobyembre 16 sa Gov. Alfonso Umali Sr. Gymnasium.

 

Mula sa 15 naggagandahang binibini na kumatawan sa 14 na bayan at isang lungsod sa lalawigan, itinanghal na Miss Oriental Mindoro 2016 si Miss Mansalay Claureen De Castro.  Nanalo namang Miss Tourism si Miss Pola Gladys Abanador, Miss Mahalta Beauty 2016  si Miss Baco Shaira Salome, first runner-up naman si Miss Calapan Angelica Arwin Evora, at second runner-up  naman si Miss Bongabong Maria Angelica Barcelona. 

Sinaksihan ang gawain ng mga matataas na opisyal at punumbayan sa lalawigan, sa pangunguna ni Gobernador Alfonso V. Umali Jr.,  Bise Gobernador Humerlito A. Dolor, First District Representative Salvador C. Leachon, Second District Representative Reynaldo V. Umali, gayundin ang mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan.

Sa kanyang mensahe, muli nagpasalamat si Gob. Umali sa Miss Oriental Mindoro Charities, Incorporated (MOMCI), sa pangunguna ni Dr. Linda A. Umali, sa patuloy na tagumpay ng Miss Oriental Mindoro sa taong ito, ganundin sa patuloy na suporta ng mga ka-lalawigan. Inaasahan ng Gobernador na mag lelevel-up pa ito sa susunod na mga taon.(Communication and Public Relations Services Division/Office of the Governor) Visit us and log on www.ormindoro.gov.ph. or like our Facebook page Oriental Mindoro-PIO)