Main menu

FARM TOURISM CONFERENCE NAGBIGAY INSPIRASYON SA MGA MAGSASAKA

Published by admin on Mon, 11/28/2016 - 11:30

Ang maipakita ang potensyal ng negosyo sa agrikultura at turismo sa lalawigan.

Ito ang layunin ng Farm Tourism Conference na isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika – 66 na taong pagkatatag ng Oriental Mindoro sa Mindoro State College of Agriculture and Technology (MinSCAT) noong ika 14 – 15 ng Nobyembre.

Naging panauhin sa gawain  sina Gobernador Alfonso V. Umali Jr., Provincial Administrator Nelson Melgar,  Provincial Agriculturist Christine Pine at Dr. Jesse Zamora.  Dinaluhan ito  ng may 120 kinatawan mula sa mga Investor, Agripreneur, Micro, Small at Medium Enterprise, Agri – Tourism Learners,  Organic Practitioners,  at ng mga Farmers Association mula sa 14 na bayan at  Lungsod ng Calapan.                     

Ayon kay PAgO Pine, ang Farm Tourism Conference  ang kauna-unahan na isinagawa sa lalawigan na hinalaw mula sa dinaluhan nilang 4th Farm Tourism Conference sa Tagaytay noong nakaraang Hulyo kasama ang mga taga Provincial Tourism, Investment and Enterprise Development Office (PTIEDO) at Provincial Planning and Development Office.  Malaki, aniya, ang mapapakinabang ng lalawigan sa programang ito.

Sa kanyang mensahe,  sinabi  ni Gob. Umali  na ang ating lalawigan ay nakabase sa agrikultura at turismo kaya kailangang ayusin  ito.  Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng proteksyon sa kapaligiran dahil dito nakasalalay ang pag-unlad ng agrikultura at turismo sa lalawigan.

Ang Farm Tourism ay isang napakahalagang paraan upang makahikayat ng mga mamumuhunan sa mga sakahan o pangisdaan na masasabi ring educational at recreational.  Tinuruan ang mga dumalo ng mga pamamaraan na mapaunlad ang pagsasaka sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga sumusunod:  RA 10616- FARM TOURISM ACT OF 2016,  Basic of Farm Tourism, Basic of Farm Tourism Business, Designing Farm Tourism Packages, at Promotion and Marketing of Farm Tourism Products. (Communication and Public Relations Services Division/Office of the Governor) Visit us and log on www.ormindoro.gov.ph. or like our Facebook page Oriental Mindoro-PIO)