Main menu

SUGAY AT IBARRA - ITINANGHAL NA ULTIMATE PGORM IDOL 2016

Published by admin on Mon, 11/28/2016 - 11:28

Itinanghal na 2016 Ultimate PGOrM Idols sina Juanito Joshua Sugay III ng Communication and Public Relations Services Division (CPRSD)/Provincial Information Office (PIO) at  Mariel Ibarra ng Provincial General Services Office (PGSO) sa ginanap na PGOrM Idol 2016 Quest sa Kapitolyo noong Nobyembre 15. Kapwa sila tumanggap ng tig-P10,000.00 at tropeo.

Ang PGOrM Idol ay isang personality search na bahagi ng pagdiriwang ng 66th Founding Anniversary Celebration (FAC) ng Oriental Mindoro na nilahukan ng 12 mga kawani ng iba't ibang departamento ng Pamahalaang Panlalawigan. Tumutok ang patimpalak sa personalidad at kabuuan ng pagiging isang empleyado. Sumasalang sa iba’t-ibang challenges ang mga kalahok at itinanghal kung sino ang most vibrant, talented, good looking, at bright employees.

Maliban sa ipinakitang synchronized talent sa pagsasayaw at pagkanta, sumalang din ang mga kalahok sa aura challenge, knowing my boss challenge, at fast talk challenge kung saan mabilis nilang sinagot ang mga tanong sa kani-kanilang mga pangunahing tungkulin sa kanilang mga tanggapan, ang wastong pakikitungo sa kapwa-kawani, at kung gaano nila kakilala ang kanilang mga ka-trabaho.

Nagpasalamat naman si Executive Assistant IV at 66th FAC Program and Events Committee Chairperson Dr. Romeo G. Infantado sa lahat ng nagtulong-tulong sa matagumpay na pagdaraos  ng 66th FAC. (Communication and Public Relations Services Division/Office of the Governor) Visit us and log on www.ormindoro.gov.ph. or like our Facebook page Oriental Mindoro-PIO