Main menu

Crisis Management Committee binuo, proyektong pabahay uunahin

Published by admin on Thu, 01/21/2016 - 15:25

Nasusubok ang galing at tatag ng isang pamunuan sa panahon ng krisis. Ang pamunuan ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr., buong tapang na hinarap ang krisis na idinulot ng bagyong Nona sa lalawigan. Ipinakita nito na kailanman ay hindi magiging talunan ang mga Mindoreño. Na hindi isang bagyong Nona lamang ang makapagpapalugmok sa maunlad at mabunga na nitong pamumuno. Sa halip, positibong pananaw ang namutawi sa mga naging pananalita ng Gobernador at ang pag-asang mabilis na makababangon ang  mga Mindoreño mula sa sinapit nito sa Bagyong Nona.

 

Upang mapabilis ang pagtugon sa mga sektor na naapektuhan ng bagyo, binuo ni Gob. Umali ang iba’t ibang komite na tututok sa pagtataya ng naging epekto nito upang ipinal at magkaroon ng tiyak at  masinop na bilang ng mga apektado nito.

 

Katuwang si Provincial Adminstrator Nelson B. Melgar, hinati at itinalaga ang mga tanggapan upang tumutok at makipag-ugnayan sa Provincial Planning and Development Office na siyang bumuo ng kabuuan at pinal na ulat hinggil sa lawak ng naging epekto ng bagyong Nona sa iba’t ibang sektor.

 

Kabilang sa mga binuong committee ang housing, agriculture, infrastructure, power, health, education, environment, livelihood at documentation.

 

Hiling naman ni Gob. Umali sa mga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council gayundin sa iba pang konsernadong lokal na ahensya ng pamahalaan ng bawat munisipalidad, na maging tumpak sa mga bilang at halaga ng inire-report sa Pamahalaang Panlalawigan sapagkat tiniyak niyang iba-validate din ito kapag naisumite na nila ito sa  pamahalaang nasyunal. Partikular na tinukoy niya rito ang sa agrikultura, lalo na ang bilang ng mga naapektuhang puno ng niyog. (Communication and Public Relations Services Division/Office of the Governor) Visit us and log on www.ormindoro.gov.ph. or like our Facebook page Oriental Mindoro-PIO