Main menu

AIP ng Oriental Mindoro - aprubado na sa SP

Published by admin on Fri, 01/08/2016 - 11:33

Matapos ang serye ng mga pagdinig  at masusing pag-aaral ng mga myembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, inaprubahan noong Disyembre 7 sa Bulwagang Panlalawigan ang:

 

RESOLUTION NO. 2842-2015

 

RESOLUTION APPROVING THE FY 2016 ANNUAL INVESTMENT PROGRAM (AIP) OF THE PROVINCIAL GOVERNMENT OF ORIENTAL MINDORO.

 

Sa sesyon ng SP, nilagdaan ito ng mga opisyal ng lalawigan, sa pamumuno nina Gobernador Alfonso V. Umali, Jr., Bise-Gobernador Humerlito A. Dolor, kasama ang mga Bokal ng Sanggunian. Sumaksi sa gawain ang mga hepe at opisyal ng iba't ibang departamento at dibisyon ng Pamahalaang Panlalawigan.

 

Dito, ipinaabot ni Gobernador Umali ang kanyang taus-pusong pasasalamat sa lahat ng bumubuo ng SP at mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan.

 

Ayon naman kay Bise-Gob. Dolor, ang mga nakaraang serye ng mga pagdinig ng SP sa 2016 AIP ng lalawigan ay bahagi ng proseso para sa maayos na pagpapatupad ng mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan.

 

Nasasaad sa kapasiyahan na batay sa naging pag-aaral ng Sanggunian, napapaloob sa FY 2016 AIP ang mga kinakailangang resource requirements na tumutugon sa mga natukoy na mga programa, proyekto at gawain ng General Public Services Sector, Social Services Sector, Economic Development Sector and Other Services Sector ng Pamahalaang Panlalawigan.

 

Sa pamamagitan ng epektibo at episyenteng pagpapatupad ng mga natukoy na gawain, mabibigyang-katuparan ang patuloy ng pag-unlad ng ekonomiya ng lalawigan at magtataguyod sa pangkalahatang kagalingan ng mga mamamayan ng Oriental Mindoro sa paghahatid sa kanila ng mga pangunahing serbisyong panlipunan, partikular sa mga nangangailangang sektor ng lalawigan.

 

Mahalaga ang maayos na pagpapatupad sa mga hakbanging pangkaunlarang nilalaman ng 2016 AIP upang mabigyang katuparan ang layunin ng Pamahalaang Panlalawigan, sa ilalim ng pamunuan ni Gobernador Umali: “By 2020, Oriental Mindoro is Luzon and Visayas’ Food Base, Premiere Tourism Destination and Center for Investments”. (Communication and Public Relations Services Division/Office of the Governor)