Main menu

MAHIGIT 500 MINDOREÑO, NABENEPISYUHAN NG MOBILE PASSPORTING NG DFA

Published by lewyer on Fri, 11/27/2015 - 00:00

Sa taun-taong pakikipagtuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sa Department of  Foreign Affairs (DFA) sa proyektong mobile passporting, 541 mga Mindoreño ang nakapagproseso sa mobile passporting services na isinagawa sa Kapitolyo kamakailan.

Ang mobile passporting ay ang taun-taong proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gobernador Alfonso V. Umali Jr. na pinangangasiwaan ng Education and Employment Services Division (EESD) ng Office of the Governor.

Ayon kay EESD Labor and Employment Assistant Jesusa Matchimura-Cruz, kinatawan ni EESD Chief Antonio Magnaye Jr., sa proyektong ito, naglalaan ng pondo ang Pamahalaang Panlalawigan upang dalhin ang mga serbisyo ng DFA sa Oriental Mindoro at alalayan ang mga mamamayang nais mag-apply at mag-renew ng kanilang pasaporte. Mas pinadali na rin ng DFA ang proseso sa passport application.

Bilang suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa naturang gawain, nagkaloob ng free issuance of birth and marriage certificates bilang pag-alalay sa mga may problema at kulang sa dokumento ang Civil Registry Department (CRD) na pinamumunuan ni City Civil Registrar Nelly F. Asturias. Ayon kay CRD-CRO III (Registration Division Chief) Evelyn C. Gregory, nakipagtulungan sila sa Pamahalaang Panlalawigan upang alalayan ang mga aplikante sa nabanggit na gawain.

Ang mobile passporting sa lalawigan ay nasimulan noong 2012 at naasahang patuloy itong itataguyod ng administrasyon ni Gobernador Umali para sa kapakinabangan ng mas marami pang mamamayang Mindoreño. (Communication and Public Relations Services Division/Office of the Governor) Visit us and log on at www.ormindoro.gov.ph