Main menu

"Sa Oriental Mindoro, Tara na" - nagwaging 65th Anniversary Theme Song

Published by lewyer on Fri, 11/20/2015 - 00:00

Sumikat sa mga programa ng ika-65 taon ng pagkakatatag ng Oriental Mindoro ang masiglang awitin ng "Sa Oriental Mindoro, Tara na". Ito ang komposisyong awiting napagwagian ng Tribung Ma-it ng bayan ng San Teodoro sa Oriental Mindoro 65th Founding Anniversary Celebration Song Writing Competition na ginanap sa Bulwagang Panlalawigan.

Ang orihinal na komposisyon ay binuo ng magkapatid na Jeric at Janeth Melendrez. Kasama nilang nagtanghal si Jermaine Caganay bilang male vocalist. Ang grupo ay nanalo mula sa 10 kalahok mula sa iba't ibang bayan ng lalawigan.

Bilang gantimpala, tinanggap ng Tribung Ma-it mula sa Pamahalaang Panlalawigan ang isang tropeyo at P15,000. Tropeyo at P12,000 naman ang tinanggap ng1st runner-up na C2 Sisters ng Oriental Mindoro National High School, at tropeyo at P10,000 rin naman para sa 2nd runner up na Alpha Beat ng Divine Word College of Calapan. (Communication and Public Relations Services Division/Office of the Governor) Visit us and log on at www.ormindoro.gov.ph; Facebook page Oriental Mindoro-PIO