Main menu

Gender Planning and Budgeting para sa mga ahensya ng pamahalaan, isinagawa

Published by lewyer on Fri, 11/20/2015 - 00:00

Sa ilalim ng ipinatutupad ng Magna Carta of Women (MCW), nasasaad na kinakailangang itiyak ng mga opisyal at empleyado ng Pamahalaan na napapaloob sa local policy making, planning, programming, budgeting, implementation at monitoring ang gender and development.

Gender Mainstreaming ang proseso ng pagtukoy sa mga usaping nakaaapekto sa mga kababaihan at kalalakihan, partikular ang wasto at nararapat na pagtanggap ng mga programa at serbisyo ng pamahalaan at ang paglalatag ng mga plano at programa upang ang mga ito ay masolusyunan.

Unang linggo ng Oktubre nang isagawa sa Paras Building sa Lungsod ng Calapan ang Gender Planning and Budgeting at nilahukan ng may 68 mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Panlalawigan.

Pinangasiwaan ang gawain ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) na pinamumunuan ni PHRM Officer Elisa O. Paala, sa ilalim ng kanilang PHRMO Training, Education and Development Division.

Naging mga tagapagsalita sa tatlong araw na gawain sina Victoria Municipal Planning and Development Coordinator Carol Manuel, Provincial Gender Focal Point System, Technical Working Group Team Leader Doris Melgar at Local Government Operations Officer IV Amelia Ramos mula sa DILG IV-B.

Dito, kabilang sa mga tinalakay ang wastong proseso ng GAD Planning, mula sa pagbubuo ng gender-responsive vision; pagkakaroon ng sex-disaggrerated data ng mga ahensya; pagsasagawa ng gender analysis; pagtukoy ng gender-issues; paglalatag ng gender-responsive goals; objectives at targets; ang pagbubuo ng mga polisiya, programa at proyekto; at ang investment programs at budget.

Upang magkaroon ng epektibong pagpaplano at implementasyon ng GAD PPAs, binigyang-diin ang pangangailangan sa pagbubuo at pagpapalakas ng LGU Gender Focal Point System, pagkakaroon ng capacity development ng mga myembro ng GFPS.

Ang Gender Planning and Budgeting ay isa lamang sa mga serye ng mga capacity development ng mga opisyal ng pamahalaan upang magkaroon ng epektibong gender mainstreaming sa kanilang mga programa at proyektong ipinatutupad para sa mga mamamayan. (Communication and Public Relations Services Division/Office of the Governor) Visit us and log on at www.ormindoro.gov.ph; Facebook page Oriental Mindoro-PIO