Main menu

Mahigit P916.8M, pinsala ng bagyong Nina 2 nasawi at 93 nasugatan

Published by admin on Thu, 02/02/2017 - 09:42

Umaabot na sa P916,893,284.50 ang kabuuang  halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura na iniwan ng bagyong Nina sa pagsalanta nito sa Oriental Mindoro noong Disyembre 26, 2016.

 

Batay sa record ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), umaabot na sa  P476.2 M ang pinsala sa agrikultura at P440.6M naman ang halaga ng mga nasirang imprastraktura.

 

Narciso, Binucalan Jr., at Galicia, Outstanding PPsKa teachers

Published by admin on Thu, 02/02/2017 - 09:41

Pinarangalan bilang Outstanding Programang Pang-Edukasyon sa Kalibliban (PPsKa)  teacher  at tumanggap ng tig- P15,000 cash prize sina Nadjie R. Narciso ng Agong Elementary School, Bulalacao; Cesar C. Binucalan Jr. ng Villa Pag-asa National High School, Apnagan Extention, Bansud  at Reneboy G. Galicia ng Villa Pag-asa National High School, Apnagan Extension,  Bansud sa katatapos  na awarding ceremony ng Search for Outstanding PPsKa Teachers 2016  na isinagawa sa Kapitolyo noong Enero 7.

Hawaii ng PHRMO, kampeon sa Salong Dagitab 2016

Published by admin on Thu, 02/02/2017 - 09:41

Nakuha ng bansang Hawaii  ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) ang 1st place sa Salong Dagitab 2016 na may temang “Different Faces, Different Races, Christmas in Different Places”.

Tinanggap ni PHRM Officer Elisa O. Paala ang P50,000 cash prize mula kina Gobernador Alfonso V. Umali, Jr., Bise-Gobernador Humerlito A. Dolor, Provincial Administrator Nelson B. Melgar at Special Concerns Division Supervising Administrative Officer Roberto O. Mendoza.

P750,000 halaga ng gamit pansakahan, ipinamahagi

Published by admin on Thu, 02/02/2017 - 09:41

Bilang suporta ng administrasyon ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr. sa  mga magsasaka ng lalawigan, muling namahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng mga kagamitan sa pagsasaka na isinagawa sa Bulwagang Panlalawigan noong Disyembre.

Talento ng mga batang Mindoreño, itinampok sa Children's Month celebration

Published by admin on Thu, 02/02/2017 - 09:40

Muling ipinagdiwang sa lalawigan noong Disyembre  ang National Children’s  Month na taun-taong itinataguyod ng Provincial Social Welfare and  Development Office (PSWDO) bilang isa sa kanilang  pangunahing gawain bilang  pagpapahalaga sa mga bata.

Sa naturang pagdiriwang, ipinamalas  ng mga batang Mindoreño  ang kanilang mga talento at husay sa pag-awit, pagsayaw  at draw  and  tell.

Salong Dagitab, nagsisilbing inspirasyon ngayon sa iba’t ibang bayan

Published by admin on Thu, 02/02/2017 - 09:40

 Unti-unting nagsusulputan na sa iba’t ibang bayan sa Oriental Mindoro ang replica ng Salong Dagitab.

 

 Sa pag-iikot ng KPSM Team, napag-alaman na nagkakaroon na rin ng mumunting Salong Dagitab sa mga bayan ng Bansud, Socorro, at Pinamalayan.

 

Sa kahabaan ng national road sa bayan ng Socorro, makikita ang naggagandahang parol na may iba’t ibang disenyo na nagbibigay liwanag sa daan sa pamamagitan ng kumukuti-kutitap din nitong mga ilaw.

 

Mga silya at instructional materials, ipinamahagi

Published by admin on Thu, 02/02/2017 - 09:39

Sa pagpapahalaga ng Pamahalaang Panlalawigan sa edukasyon ng mga kabataan sa lalawigan, nagkaloob  ng instructional materials at mga silya sa ilang paaralan noong Disyembre 19 na ginanap sa Tamaraw Hall, Capitol Complex.

Malaking proyekto sa Merit, Victoria, target ngayon ng mga mamumuhunan

Published by admin on Thu, 02/02/2017 - 09:38

Ayon kay Gobernador Alfonso V. Umali, Jr.,  ang may 10 ektaryang lupang pag-aari ng Pamahalaang Panlalawigan sa Merit, Victoria ay binabalak at pinalano nang  pagtayuan ng isang malaking proyektong pang-turismo na tiyak na malaki  ang maiaambag sa pagpapaunlad ng industriya ng kawayan sa lalawigan.

 

Oriental Mindoro muling tumanggap ng award Silonay Mangrove Rehabilitation kinilala

Published by admin on Thu, 02/02/2017 - 09:38

Matapos na mabigyan ng Seal of Good Local Governance (SGLG)  mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG), muling kinilala ang Oriental Mindoro at tumanggap ng Excellence Award in Climate Resilient and Green Growth Practices.

 

Ang parangal ay tinanggap ni Gob. Umali noong Nobyembre 24 sa Sofietel, Philippine Plaza sa Maynila.  Kasama ng Gobernador sa okasyon si Calapan City Vice-Mayor Gil Ramirez.

 

P1.46B Budget ng Pamahalaang Panlalawigan para sa taong 2017 Aprubado ng SP

Published by admin on Thu, 02/02/2017 - 09:37

Umaabot sa P1,461,765,460.00 ang pondo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro para sa taong 2017.

 

Ito ang napapaloob sa General Appropriation Ordinance No. 571-2016 na inaprubahan on mass sponsorship ng mga myembro ng Sangguniang Panlalawigan, sa pangunguna ni Bise-Gobernador at SP Presiding Officer Humerlito A. Dolor, sa Batasang Panlalawigan sa Lungsod ng Calapan.

 

 GENERAL APPROPRIATION ORDINANCE NO. 571 - 2016

Pages