Main menu

December 2016

Kalidad ng mga proyekto sa ilalim ng PRDP, itinitiyak

Published by admin on Wed, 12/21/2016 - 09:08

Upang itiyak ang kalidad ng mga proyektong ipinatutupad at ang kasalukuyang estado ng mga ito sa ilalim ng Philippine Rural Development Project (PRDP), binisita kamakailan ng mga opisyal ng World Bank, Department of Agriculture, kasama ang iba pang mga opisyal ng mga ahensya ng pamahalaan ang mga proyekto ng PRDP sa lalawigan.

Apat na pulis nahirang na 2016 Outstanding Police Officers

Published by admin on Wed, 12/21/2016 - 09:08

Apat na pulis ang nahirang na Outstanding Police Officer ng 2016 dahilan sa kanilang ipinakitang kahusayan at sigasig sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.

PDPFP 2016-2025 ng Oriental Mindoro, Aprubado na sa SP

Published by admin on Wed, 12/21/2016 - 09:06

Isang pangmatagalang plano ng lalawigan na tumutukoy sa mga tunguhing pangkaunlaran, istratehiya, mga layunin at ang mga kinakailangang programa, proyekto at gawain para sa mga isasagawang provincial investment programming, paglalaan ng pondo at pagpapatupad ng mga planong pangkaunlaran.

Ito ang Provincial Development and Physical Framework Plan (PDPFP) 2016-2025 ng lalawigan ng Oriental Mindoro.

Programang Pang-Nutrisyon, malaking salik sa good governance

Published by admin on Wed, 12/21/2016 - 09:05

Implementing programs on nutrition  is a good governance.

 

Ito ang binigyang-diin ni  Regional Program Coordinator Carina Santiago  ng National Nutrition Council (NNC)  matapos matagumpay na naisagawa ang Multi-Stakeholders Forum sa   Makati Palace Hotel, Maynila kamakailan.

 

Pamahalaang Panlalawigan tuluy-tuloy ang pag-agapay sa mga mamamayan

Published by admin on Wed, 12/21/2016 - 09:04

Pormal na ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ni Executive Assistant I Stephanie Sue M. Umali, kinatawan ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr. ang mga jetmatic pump at saku-sakong semento sa mga ilan pa lamang na natukoy na mga barangay na humingi ng tulong sa Pamahalaang Panlalawigan.

Personal na pinuntahan ang mga natukoy na barangay nina Bb. Umali upang mas maipadama ang pagtugon ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng administrasyong Umali.

Iba’t ibang serbisyo, ipinagkaloob sa People’s Day

Published by admin on Tue, 12/06/2016 - 09:06

Naging benepisyaryo ng gawain ang daang Mindoreño na pinagkalooban ng iba’t ibang serbisyong panlipunan sa ilalim ng programang Kapitolyo Para sa Mamamayan Serbisyo Ora Mismo ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr.

Naging tampok na gawain at umangkop sa naging tema ng pagdiriwang ng 66th Founding Anniversary ng lalawigan na “Kultura ng Serbisyo, Tatak Mindoreño” ang People’s Day na ginanap noong Nobyembre 14 sa Bulwagang Panlalawigan ng Kapitolyo.

DWCC - kampeon sa Tunog Mindoro Brass Band Competition

Published by admin on Tue, 12/06/2016 - 09:05

Ngayong taon, muling pinatunayan ng mga kabataang mag-aaral ng Divine Word College of Calapan (DWCC) Brass Band ang kanilang husay at galing nang itanghal bilang kampeyon sa idinaos na Tunog Mindoro Brass Band Competition noong Nobyembre 13 kaugnay sa pagdiriwang ng ika-66 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Oriental Mindoro. Taong 2014 nang unang magkampyeon ang DWCC sa katulad na patimpalak.

Mula Hulyo-Oktubre 9,299 boluntaryong sumuko sa ilalim ng PNP Project Tokhang

Published by admin on Tue, 12/06/2016 - 09:05

Mula Hulyo 1 hanggang ika-27 ng Oktubre, umaabot na sa 9,299 ang mga sumukong drug users at drug pushers sa Oriental Mindoro.

 

Ito ang iniulat ni Police Chief Inspector Roden S. Fulache, Chief, Provincial Operations and Plans ng Philippine National Police PNP Provincial Office kaugnay sa pagpapatupad ng Project Double Barrel (Project Tokhang) sa lalawigan sa isinagawang Provincial Peace and Order Council (PPOC) Meeting sa Kapitolyo kamakailan sa pangunguna ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr.

 

Victoria Central School, wagi sa Drums and Glockenspiel Competition

Published by admin on Tue, 12/06/2016 - 09:04

Nakuha ng Victoria Central School ang unang pwesto sa Tunog Mindoro Drums and Glockenspiel Competition para sa elementary level na ginanap noong Nobyembre 11 sa Oriental Mindoro National High School grounds.

Isa ito sa mga tampok na gawain kaugnay ng pagdiriwang ng 66th Founding Anniversary ng Oriental Mindoro.

Tinanggap ng mga kinatawan ng mga nanalong paaralan mula kay Gobernador Alfonso V. Umali, Jr. ang P50,000 cash prize at tropeo.

MGA KAWANI NG KAPITOLYO, LUMAHOK SA DRUG-FREE WORKPLACE SYMPOSIUM

Published by admin on Tue, 12/06/2016 - 09:03

Bilang pagtalima at pagsuporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa  administrasyon ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na sugpuin ang droga at kriminalidad sa bansa, inatasan ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr. ang lahat ng kawani ng Kapitolyo na lumahok sa Drug Free Workplace Symposium na  ginanap sa Tamaraw Hall kamakailan.

Naujan, Calapan City at Victoria - itinanghal na Gender-Responsive LGU

Published by admin on Tue, 12/06/2016 - 09:02

Itinanghal na Gender-Responsive Local Government Unit (LGU) ng Oriental Mindoro mga bayan ng Naujan at Victoria at ang Lungsod ng Calapan.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-66 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Oriental Mindoro, pinarangalan ang mga nabanggit na lokal na pamahalaan sa isinagawang Awarding for Gender Responsive LGU, sa pangunguna ni Gobernador Alfonso V.Umali, Jr. sa Tamaraw Hall sa Kapitolyo noong Nobyembre 11.

LUNGSOD NG CALAPAN, UNA AT SEGUNDA DISTRITO - NAGPAMALAS NG GALING AT TALENTO SA GABI NG PAGTATANGHAL

Published by admin on Tue, 12/06/2016 - 09:02

Naging makulay at makabuluhan ang idinaos na Gabi ng KoolTourah Mindoreño sa Bulwagang Panlalawigan ng mga bayan mula sa ikalawang distrito, unang distrito at ng Lungsod ng Calapan.