Main menu

November 2016

Oriental Mindoro - muling nakatanggap ng SGLG award

Published by admin on Mon, 11/28/2016 - 11:31

Tuluy-tuloy ang pagpupunyagi ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr. na buong husay na maipagkaloob ang mga serbisyong kinakailangan ng mamamayang Mindoreño. Ito ay sa pamamagitan ng mga programa at proyekto gayundin ang mga inobasyon sa pamamahala  nito para sa higit pang ikauunlad  ng Oriental Mindoro.

 

MISS MANSALAY, NAGWAGING MISS ORIENTAL MINDORO 2016

Published by admin on Mon, 11/28/2016 - 11:30

Muling napatunayan ang ganda at galing ng mga kababaihang Mindoreño sa ginanap na search for the Miss Oriental Mindoro 2016 noong Nobyembre 16 sa Gov. Alfonso Umali Sr. Gymnasium.

 

FARM TOURISM CONFERENCE NAGBIGAY INSPIRASYON SA MGA MAGSASAKA

Published by admin on Mon, 11/28/2016 - 11:30

Ang maipakita ang potensyal ng negosyo sa agrikultura at turismo sa lalawigan.

Ito ang layunin ng Farm Tourism Conference na isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika – 66 na taong pagkatatag ng Oriental Mindoro sa Mindoro State College of Agriculture and Technology (MinSCAT) noong ika 14 – 15 ng Nobyembre.

MARINE PROTECTED AREA DAY, IPINAGDIWANG

Published by admin on Mon, 11/28/2016 - 11:29

Muling tumatak sa isipan ng mga mamamayan ang kahalagahan ng pangangalaga sa pinagkukunang yaman  ng mga mangingisda sa ginanap na ika-limang taong pagdiriwang ng Marine Protected Area Day sa Lungsod ng Calapan noong nakaraang Oktubre.  Pangunahing lumahok sa mga naging gawain ang binuong samahan ni Vice- Mayor Gil Ramirez noong 2013, ang Hanay ng Yumayabong at Umuunlad na Mangingisda (HAYUMA),  na binubuo ng mga mangingisda sa may  23 barangay  na nasa baybaying dagat ng  Lungsod ng Calapan.

 

WALK MINDOREÑO, BUBBLE SPLASH FUN WALK 2016 TAGUMPAY

Published by admin on Mon, 11/28/2016 - 11:29

Matagumpay na naidaos ang Walk Mindoreño, Bubble Splash Fun Walk noong ika-12 ng Nobyembre na bahagi  ng selebrasyon ng ika- 66 na pagkakatatag ng Oriental Mindoro.

SUGAY AT IBARRA - ITINANGHAL NA ULTIMATE PGORM IDOL 2016

Published by admin on Mon, 11/28/2016 - 11:28

Itinanghal na 2016 Ultimate PGOrM Idols sina Juanito Joshua Sugay III ng Communication and Public Relations Services Division (CPRSD)/Provincial Information Office (PIO) at  Mariel Ibarra ng Provincial General Services Office (PGSO) sa ginanap na PGOrM Idol 2016 Quest sa Kapitolyo noong Nobyembre 15. Kapwa sila tumanggap ng tig-P10,000.00 at tropeo.

SUNSHINE MAI MOJICA, ITINANGHAL NA 2016 PANTAWID PAMILYA EXEMPLARY CHILD

Published by admin on Mon, 11/28/2016 - 11:28

Sa ipinamalas na husay sa pagrampa at matalinong pagsagot sa mga hurado, itinanghal na 2016 “Kaya Ko Ang Pagbabago” Provincial Search for Pantawid Pamilya Exemplary Child si Sunshine Mai Mojica, 13 taong gulang at Grade 8 student ng Laguna National High School ng bayan ng Naujan sa patimpalak na pinangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ginanap sa Gaisano Capital Calapan kamakailan.

Tumanggap si Sunshine ng tropeo, sash, at cash prize na nagkakahalaga  ng P13,000.00

Malimit na brownout, susuriin ng SP

Published by admin on Mon, 11/28/2016 - 11:27

"Iisa lamang ang layunin at nais nating lahat: ang makita at maramdaman ang kumportableng pamumuhay dala ng ganap na kaunlaran. Sama-sama nating tapusin ang napakatagal nang problema sa suplay ng kuryente sa ating lalawigan."

Ito ang pahayag ni Bise-Gobernador at Sangguniang Panlalawigan Presiding Officer Humerlito A. Dolor sa harap ng mga myembro ng SP kaugnay sa patuloy na nararanasang malawakang brownout sa Oriental Mindoro.

Mga pangunahing mamamayan sa lalawigan, nagbigay ng tulong sa mga katutubong Manyan

Published by admin on Mon, 11/28/2016 - 11:26

Upang matulungan ang mga katutubong Mangyan sa bayan ng Baco,  namahagi ng tulong ang Oriental Mindoro Senior Citizens Cultural Organization, Inc. (ORMDOSCCO, Inc.s) sa mga residenteng mangyan sa Barangay Baras, Baco bilang bahagi ng kanilang outreach program.

  

Ang gawain ay pinangunahan ni Senior Citizens Provincial Coordinator Zeny Garing kasama ang mga opisyal at kasapi ng Oriental Mindoro Federation of  Senior Citizens.

 

PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, TULUY-TULOY SA PAGBIBIGAY PAGSASANAY SA PANGKABUHAYAN

Published by admin on Thu, 11/03/2016 - 11:24

Nagkaloob ng libreng pagsasanay ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga kamag-anak ng Overseas Filipino Workers (OFW) dito sa lalawigan sa Language Skills Institute (LSI) noong Setyembre 22-23.

Ang naturang pagsasanay na may titulong “Polymer Accessories Production Training for Families of OFW” ay nilahukan ng may 20 indibidwal at pinangunahan ng Provincial Tourism and Investment and Enterprise Development Office (PTIEDO), sa tulong ng ATIKHA Overseas Workers and Communities Initiatives.

KONSTRUKSYON NG MGA TANGGAPAN SA KAPITOLYO, NASA 70-80% NA ANG NATATAPOS

Published by admin on Thu, 11/03/2016 - 11:24

Nasa 70-80% na ang naipatatapos sa konstruksyon ng mga gusali ng Pamahalaang Panlalawigan sa loob ng Kapitolyo.

Ito ang inihayag ni PGOrM Architect Ding Pama sa isinagawang pakikipanayam ng KPSM News sa tanggapan nito sa Kapitolyo kamakailan.

Ayon kay Architect Pama, tuluy-tuloy ang konstruksyon  ng  mga  bagong  tanggapan sa  Kapitolyo at  aniya’y napondohan na rin ito. Dagdag pa ni Pama na target  na mapatapos ang konstruksyon sa susunod  na taon.

EBALWASYON SA MGA NOMINADONG GURO NG SEARCH FOR OUTSTANDING PPsKa TEACHER NAGSIMULA NA

Published by admin on Thu, 11/03/2016 - 11:23

Nagsimula na ang ebalwasyon sa mga nominadong guro sa ilalim ng Programang Pang-Edukasyon sa Kalibliban (PPsKa) ng Pamahalaang Panlalawigan noong Oktubre 12.

Ang mga nominado para sa outstanding PPsKa teacher ang mga opisyal na kalahok sa Search for Outstanding PPsKa Teachers 2016.

Pinangunahan ng PPSKa Executive Committee (EXECOM) at mga kinatawan nito ang ebalwasyon sa  mga naturang guro  na ibinase  sa opisyal na pamantayan ng ExeCom.

Pages