Main menu

October 2016

NATIONAL COMMISSION FOR CULTURE AND THE ARTS (NCCA) MAGBIBIGAY TULONG PAMPROYEKTO SA MIMAROPA

Published by admin on Wed, 10/19/2016 - 13:32

Hinihikayat ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang mga may talento sa sining, kultura at kasaysayan na magsumite ng project proposal sa kanilang tanggapan upang masuportahan ang pag-aangat sa antas ng kultura sa rehiyong MIMAROPA, partikular sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Ang oryentasyon ay pinangunahan ni NCCA Chairman Felipe M. De Leon, Jr., kasama sina OIC-Executive Director Adelina M. Suemith at Executive Director Marichu G. Tellano.

VICE-PRESIDENT ROBREDO, TUTULONG SA MGA KATUTUBONG TADYAWAN NG POLA

Published by admin on Wed, 10/19/2016 - 13:32

Tutulong ang tanggapan ni Bise-Presidente Leni Robredo sa mga mamamayan ng Pola partikular sa mga katutubong Tadyawan na naninirahan sa Barangay Tiguihan na kanyang binisita noong Agosto 26.

Ang Brgy. Tiguihan ay isa lamang sa mga malalayong komunidad ng mga Mangyan sa lalawigan na hindi pa naaabot  ng  mga tulong mula  sa pamahalaang nasyunal. May limang kilometro ang layo nito mula sa bayan ng Pola.

Maka-Kristiyanong Pamamahala - umiiral ngayon sa Bongabong

Published by admin on Wed, 10/19/2016 - 13:32

Isang pamahalaang naka-sentro sa mahusay na pagtupad ng mga tungkulin ng pamahalaan para sa mamamayan at sa pagsunod sa Banal na Salita ng Diyos.

Ito ang uri ng pamamalakad ng bagong halal na punumbayan ng Bongabong, Mayor Elgin A. Malaluan.

200 casual at contractual employees ng Kapitolyo - sumailalim sa Gender Sensitivity Training

Published by admin on Wed, 10/19/2016 - 13:31

Sumailalim sa pagsasanay ang 200 mga casual at contractual na kawani ng Pamahalaang Panlalawigan noong Agosto 24-26  sa Tamaraw Hall sa Kapitolyo upang mailahad at maipaliwanag ang mahahalagang probisyon ng Republic Act No. 9710 o ang Magna Carta of Women (MCW)  at ng mga kaugnay sa batas.

 

DRUG SYMPOSIUM, ISINAGAWA SA BAYAN NA POLA

Published by admin on Wed, 10/19/2016 - 13:30

Isang symposium hinggil sa mga ipinagbabawal na gamot ang isinagawa sa bayan ng Pola noong Agosto 25.                                                                                                

Pagsisikap ng community volunteers na umangat, kinilala ni Gob. Umali

Published by admin on Wed, 10/19/2016 - 13:28

Ang makatulong na maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay pati na ng kanilang pamayanan ang malaking papel na ginagampanan ng community volunteers.

Ito ang binigyang diin ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr. sa kanyang mensahe sa pagbubukas ng Volunteers’ Convention ng  KALAHI-CIDSS o ang Kapit Bisig Laban sa Kahirapan Program – Comprehensive Integrated Delivery of Social Services na ginanap noong Agosto 15 sa Filipiniana Resort Hotel.

ALAY LAKAD 2016

Published by admin on Wed, 10/19/2016 - 13:28

Muling isasagawa ang taunang Alay Lakad sa Setyembre 30 na pinangangasiwaan ng Alay Lakad Foundation, Inc sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr..

Ang gawain na nasa ika-44 na nitong taon ay may temang “Alay Lakad  - May Pag-asa ang Kabataan”.

Maayos na database system, mahalaga sa mga pagpaplano kontra-Climate Change

Published by admin on Wed, 10/19/2016 - 13:27

Upang maging epektibo ang mga pagpaplano ng mga programa at proyekto kontra sa mga mapanirang epekto ng climate change sa lalawigan, kinakailangan ang pagkakaroon ng maayos na database system na mapagkukuhanan ng mga kinakailangang datos at impormasyon na magiging basehan sa pagsukat ng paglago o pagbagsak ng ekonomiya ng isang lugar.