Main menu

April 2016

SAPAT NA DAMI NG IODINE SA KATAWAN, MAHALAGA

Published by admin on Mon, 04/25/2016 - 08:37

ASIN LAW IPINATUTUPAD  SA  BUONG BANSA

 

Mahalaga ang sapat na dami ng iodine sa katawan ng tao.

 

Oriental Mindoro Realty Tax Promo

Published by admin on Mon, 04/25/2016 - 08:37

"Buwis na inyong binayaran, Sambayanang Mindoreño ang makikinabang"

 

Buwis ang nagbibigay-buhay sa mga lokal na pamahalaan upang masuportahan ang mga proyektong pang-imprastraktura at paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa mga mamamayan.

 

Kumpiskadong mga baril sa gun ban, inihayag ng PNP

Published by admin on Mon, 04/25/2016 - 08:36

Seryoso ang Philippine National Police (PNP) sa pagpatupad ng gun ban bilang pagseguro sa katahimikan at kapayapaan ng darating na halalan sa Mayo 9.

 

Kaugnay nito, mahigit 100 baril ang nakumpiska ng PNP alinsunod sa ipinatutupad na Electon Gun Ban.

 

Ito ang ipinahayag ni PNP Provincial Director P/SSupt. Florendo C. Quibuyen sa pakikipanayam dito ng KPSM kamakailan.

 

Ayon kay PD Quibuyen, sa naturang bilang mahigit 50 ang personal na isinurender ng mga may-ari ng baril.

 

ANTI- CHARCOAL TRANSPORTING LIFTED NG ANIM NA BUWAN

Published by admin on Mon, 04/25/2016 - 08:36

Pinapayagan nang magluwas ng uling palabas ng Oriental Mindoro hanggang Hunyo 15, 2016.

Mga kandidato ng iba’t ibang partido, nagsama-sama sa Unity Walk

Published by admin on Mon, 04/25/2016 - 08:36

Bagama’t may iba’t ibang partido ang mga kakandidato ngayong darating na eleksyon, iisa ang direksyong tinatahak at ito ay para sa kapakanan ng mamamayang Mindoreño at ito ay nasaksihan sa isinagawang Unity Walk ng mga kandidato kamakailan bilang hudyat ng pormal na pagsisimula ng kampanya.

 

Muling pinatunayan ng mga kandidato sa lalawigan na bagama’t may kanya-kanyang partido ay maaaring maipakita ang kanilang pagkakaisa at pagkakaroon ng sportsmanship sa pagtakbo sa halalan ngayong Mayo 9.

 

Oriental Mindoro COMELEC, PNP AT DEPED handa na para sa Halalan 2016

Published by admin on Mon, 04/25/2016 - 08:35

Lahat na ng mga paghahanda ay ginagawa ng aming mga tanggapan upang maisiguro na magiging mapayapa, tahimik at maayos ang darating na halalan sa Mayo 9.

Ito ang binigyang-diin ng mga opisyal ng Commission on Election (COMELEC), Philippine National Police (PNP) at Department of Education (DepEd) sa lalawigan sa buwanang press conference ng Capitol Press Corps (CPC) na pinamumunuan ni Board of Director Chairman Jerry J. Alcayde at ginanap noong Marso 29 sa Kapitolyo.

NEW CASTLE VIRUS - BAGONG SAKIT NG MGA MANOK

Published by admin on Mon, 04/25/2016 - 08:32

Mas pinaiigting ngayon ng Provincial Veterinary Office (ProVet) ang pagbabantay sa mga pumapasok at lumalabas na “poultry products” sa lalawigan dahil sa pagkalat ng New Castle Virus.

 

Ayon kay ProVet Veterinarian IV Dr. Alfredo Manglicmot, ipinatutupad nila ang regulasyon sa pagkakaroon ng dokumento na nagpapatunay na nabakunahan ang mga manok at walang sakit bago ito payagang maipasok sa lalawigan.

 

Isaiah Thomas Anselmo ng Calapan City, tinanghal na Mister Philippines The Star 2nd runner-up

Published by admin on Mon, 04/25/2016 - 08:31

Mga personalidad na naglagay sa ating lalawigan sa mapa upang mas kilalanin ang Oriental Mindoro at hindi mahuli sa pagpapamalas ng mga angking talento at husay ng mga mamamayang naninirahan dito. Napatunayan na ito nina Charo Santos, Noli De Castro, Ejay Falcon, Karen Reyes at iba pang mga sikat na personalidad mula sa lalawigan.

 

Noong Abril 14, isang Mindoreño ang muling nagpamalas ng kanyang angking talento, kisig at iba pang mga katangian.

 

Processing ng raw materials sa lalawigan, pinag-aaralan na

Published by admin on Mon, 04/25/2016 - 08:31

Pinag-aaralan na ngayon ng pamunuan ni Gob. Umali,  sa pakikipagtuwang sa mga pribadong sektor ang pagpoproseso ng mga raw materials dito sa lalawigan upang kapag inilabas ito at ibinenta sa ibang lugar ay mas tumaas  pa ang halaga nito  sa pamilihan.

 

Drug Testing Laboratory sa bawat lalawigan, hiniling sa RDC

Published by admin on Mon, 04/25/2016 - 08:30

Sa panahon ngayong problema ang paglaganap ng iligal na droga, mas mainam na mayroong Drug Testing Laboratory sa bawat lalawigan.  Ito ang hiniling ni Occidental Mindoro Gov. Gene Mendiola sa Regional Development Council meeting na ginanap kamakailan sa Oriental Mindoro. 

 

Ito, aniya, ay upang maiwasan ang mga iregularidad na nangyayari kapag nakakakumpiska ng iligal na droga ang ahensyang may kinalaman dito.