Main menu

March 2016

STA . CLARA UMALMA SA ISYUNG SILA ANG DAHILAN NG PAGBAHA

Published by admin on Thu, 03/31/2016 - 15:02

“Base sa  mga datos,  at  aming  presentasyon,  aerial  survey, hindi  po  ang  aming proyekto ang  dahilan ng massive  flooding sa  mga  barangay  sa  Naujan na malapit sa  aming proyekto".

Ito ang naging tugon ni 8MW Lower Catuiran Hydro Project Coordinator Joseph Nuevas hinggil  sa  isyung may kinalaman diumano  ang kanilang  proyekto sa  nangyaring malawakang pagbaha sa  ilang barangay sa  bayan ng Naujan noong nakaraang Disyembre 15 kasabay ng  paghagupit ng bagyong Nona.

KAMPANYA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN HINGGIL SA RABIES PUSPUSAN

Published by admin on Thu, 03/31/2016 - 15:02

PROVET NAGPAALALA SA PANGANIB NG KAGAT NG ASO

 

Kasabay ng Anti-Rabies Awareness Month ngayong buwan ng Marso, puspusan naman ang kampanya ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ni Gobernador Alfonso V. Umali Jr. na labanan ang nakamamatay na rabies sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Office (PROVET).

 

MGA PAGHAHANDA SA OPLAN SEMANA SANTA KASADO NA

Published by admin on Thu, 03/31/2016 - 15:02

Handang- handa na ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr. at mga katuwang na ahensya ng pamahalaan na bumubuo sa  OPLAN Semana Santa Task Force sa posibleng pagdagsa sa lalawigan ng mga pasahero ngayong Semana Santa.

 

Pangunahin na rito ang Philippine Ports Authority (PPA) na siyang nakatalaga sa  pangangasiwa ng maayos na daloy ng trapiko ng mga sasakyan sa loob  at labas  ng pantalan, at sa kabuuan ng operasyon ng Port of Calapan.

 

Candle-making dagdag-pangkabuhayan mula sa DOST

Published by admin on Thu, 03/31/2016 - 15:01

Ang mahubog ang kakayahan ng mga kasapi ng mga kooperatiba sa larangan ng pagnenegosyo.

 

Ito ang naging layunin ng isinagawang Technopreneurship,  Packaging  & Labeling and Candle Production ng Department of Science and Technology (DOST-Oriental Mindoro) sa mga kasapi ng kooperatiba ng Lambs of the Good Shepherd kamakailan na ginanap sa Bishop’s House, sa Barangay Salong ng Lungsod ng Calapan.

 

Magna Carta of Women Knowledge and Product Fair, isinagawa

Published by admin on Thu, 03/31/2016 - 15:01

Ang mga ito at napakaraming iba pang mga uri ng produkto at likha ang resulta ng pagsuporta at tulong na ipinagkaloob sa iba't ibang samahan ng mga kababaihan sa iba't ibang bahagi ng bansa, sa ilalim ng proyektong magkasamang ipinatupad sa bansa ng Philippine Commission on Women (PCW) at ng Spanish Agency for International Development Cooperation (AECID) - Institutional Strengthening of National and Local Governance on Human Rights and Economic Empowerment with a Gender Focus: Implementation of the Magna Carta of Women.

 

Mga isyung kinakaharap ng Oriental Mindoro kaugnay sa climate change, tinukoy

Published by admin on Thu, 03/31/2016 - 15:00

Ang climate change ay isang usapin na kinakaharap hindi lamang ng mga Pilipino kundi ng lahat ng tao sa buong mundo.

 

Sa Oriental Mindoro, may mga mahahalagang usapin sa kapaligiran, kalusugan, turismo, serbisyong panlipunan, agrikultura at disaster risk reduction ang kinakailangang paghandaan at harapin ng mga mamamayan.

 

PINAMALAYAN HUMAHATAW SA PAGTANGGAP NG PARANGAL

Published by admin on Thu, 03/31/2016 - 15:00

Sa kauna-unahang pagkakataon, nahirang sa buong MIMAROPA at tumanggap ng award ang Barangay Papandayan at Sangguniang Bayan ng Pinamalayan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Kapitolyo noong Pebrero 29.

 

Unang tumanggap ng Grassroots Renewal and Empowerment for Accountable and Transparent (GREAT) Barangay Award ang Barangay Papandayan, Pinamalayan. Pagkatapos nito kaagad na isinunod ang paggawad ng plake ng pagkilala sa Sangguniang Bayan ng Pinamalayan bilang 2015 Local Legislative award.

 

Daang may kapansanan, benepisyaryo ng WOF Or. Mindoro Medical Mission

Published by admin on Thu, 03/31/2016 - 14:58

Libong mga pasyenteng Mindoreno ang nakinabang sa libreng gamutan na inihandog ng World Outreach Foundation  (WOF) Oriental Mindoro Medical Team na ang mga kasapi ay nagmula sa Kansas City, Missouri ng United States na isinagawa noong Enero 30 – Pebrero 4  sa Bahay Tuklasan, Naujan at sa Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) sa Lungsod ng Calapan.

 

Ang  pagtungo sa lalawigan ng WOF medical team na nasa ilalim ng pamumuno ni Dr. Anthony Racela, Jr.  bilang founder nito ay naging matagumpay, sa pamamagitan ni Dr. Leila Bush na team coordinator nito.

 

ECO-TOWN CLIMATE RESILIENT GREEN GROWTH PLAN

Published by admin on Thu, 03/31/2016 - 14:57

Gabay sa pag-aangkop ng mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan

 

Batid ng lahat na  wala na sa tamang panahon ang pagpapalit ng klima dulot na global warming kaya  nararapat na ang mga ipinatutupad na programa  ng pamahalaan ay  naaangkop sa hindi na mapipigilan pang climate change.

 

Mas mataas na presyo ng housing construction materials sa umiiral na presyo nito, maaaring isumbong sa DTI

Published by admin on Thu, 03/31/2016 - 14:57

Bilang tugon sa panawagan ni Gob. Umali na magkaroon ng regulasyon sa presyo ng housing materials at huwag samantalahin ang sitwasyon pagkatapos ng bagyong nona, nanawagan naman sa publiko ang DTI na maaaring i-report sa kanila ang mga magtataas ng presyo nito.

 

Kaugnay nito, ito ang pahayag ni OIC Department of Trade and Industry (DTI) Provincial Director Arnel E. Hutalla kamakailan na sa gitna ng mga ulat sa diumano'y pagtaas sa presyo ng construction materials:

DOH P36.7 M para sa mga nasirang ospital sa Or. Mindoro - nai-release na

Published by admin on Thu, 03/31/2016 - 14:57

Umaabot sa P36,791,678.00 ang paunang pondong tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro mula sa Department of Health, na pinamumunuan ni DOH Secretary Janette L. Garin.

 

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Normando S. Legaspi, ang nabanggit na pondo ay kalahati ng P73,583,356.00 pondong kahilingan ng pamunuan ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr. sa pamahalang nasyunal na inaprubahan ng DOH para sa agarang pagsasaayos ng mga pampublikong ospital sa iba't ibang panig ng lalawigan na sinalanta ng Bagyong Nona noong nakaraang taon.

 

KOOPERASYON NG BAWAT BAYAN MAGPAPABILIS SA PAMAMAHAGI NG HOUSING MATERIALS

Published by admin on Thu, 03/31/2016 - 14:56

“Sa level po ng DSWD, sinisikap naming mas  mapabilis ang distribution, hindi lamang po ng food  pack namin, pati na rin po ang distribution natin ng mga yero para sa pabahay. Kung kaya sa level namin, nakikipag-coordinate po kami sa mga munisipyo na concerned kung paano natin mas mapapabilis. Una, yung pagsusumite kaagad nila ng listahan kung sinu-sino po ba ang bibigyan. Pangalawa, maaari nang makapagsisimula sa pagkuha ng materials. Mas mabuti na makapag- hire sila ng sasakyan at magpadala nang mas maraming tao na kukuha ng mga yero."

Pages