Main menu

January 2016

CLAIR Singapore Scholarship, bukas na para sa LGU officials

Published by admin on Thu, 01/21/2016 - 15:29

Sa imbitasyon mula sa Japan Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR) Singapore, inaanyayahan ang lahat ng mga interesadong opisyal ng lokal na pamahalaan na lumahok sa isang pagsasanay tungkol sa usapin sa kapaligiran na magsisimula sa Hulyo 1 sa Hiroshima, Japan at tatagal ng 60 araw.

Isang buwan matapos na manalanta: Epekto ng Bagyong Nona, ramdam pa rin ng mamamayan

Published by admin on Thu, 01/21/2016 - 15:29

Bagaman mag-iisang buwan na ang nakalipas matapos salantain ng bagyong Nona ang ilang mga bayan sa Oriental Mindoro noong Dec. 15 ng nakaraang taon, iniinda pa rin ng mga naging biktima ng bagyo ang pinsalang naidulot nito sa kanila na nagresulta ng pagkawasak ng kanilang mga tahanan, paaralan, at kabuhayan.

Isa lamang sa nagtamo ng malubhang pinsala  ang Barangay Bayanan sa bayan ng Baco na halos  ikabura nito sa mapa ng naturang bayan na natabunan ng malalaking bato na may halong banlik.

Alisin na ang pulitika sa pamamahagi ng tulong - panawagan ni Cong RU

Published by admin on Thu, 01/21/2016 - 15:28

Sa gitna ng patuloy na pagdating ng mga ayuda para sa mga naging biktima ng bagyong Nona sa lalawigan, mahalaga na kaagad na maipaabot ang mga kinakailangang tulong sa mga kinauukulang biktima at maiwasan ang pagkaantala sa nangangailangan nito.

 

Oriental Mindoro Realty Tax Promo: "Buwis na inyong binayaran, Sambayanang Mindoreño ang makikinabang"

Published by admin on Thu, 01/21/2016 - 15:28

Buwis ang nagbibigay-buhay sa mga lokal na pamahalaan upang masuportahan ang mga proyektong pang-imprastraktura at paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa mga mamamayan.

 

Upang mahikayat ang mga mamamayan ng Oriental Mindoro na magbayad ng kaukulang buwis sa kanilang mga ari-arian, partikular ang mga nagmamay-ari ng mga ari-ariang di-natitinag, muling ilulunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ang Oriental Mindoro Realty Tax Promo na may temang "Buwis na inyong binayaran, Sambayanang Mindoreño ang makikinabang".

 

Mga Samahang Pansibiko - umalalay sa mga Mindoreño

Published by admin on Thu, 01/21/2016 - 15:27

Dahil sa social media, mabilis na nalaman ang kalagayang pinagdadaanan ngayon ng mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Nona sa lalawigan. At dahil dito, tuluy-tuloy ang pagdating ng mga samahang sibiko at mga foundation upang maghatid ng tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng bagyong Nona.

 

Maliban sa mga NGOs at mga samahang nabanggit sa naunang edisyon tumalakay sa bagyong Nona sa nakalipas na KPSM, dumating at nagkaloob na rin ng tulong ang Tzu Chi Foundation ng Taiwan at ang Rotary Club of Lipa nitong nakaraang linggo.

           

Cong. RU tumulong sa pagpapabilis ng pagbangon ng lalawigan: Livelihood projects para sa mga biktima, isinusulong

Published by admin on Thu, 01/21/2016 - 15:27

Hindi dapat matigil ang mga pagkilos dahil lamang sa umalis ang isang mataas na pinuno at kinakailangang gumanap pa sa mas mataas na posisyon sa bansa. Pinatunayan ito ng pamunuan ni Gob. Umali nang bagama’t hindi na nasasakop ng isang kongresista ang kabuuan ng lalawigan ay gumanap si 2nd District Cong. Reynaldo Umali sa pangkabuuang kapakanan ng lalawigan habang wala ang punong lalawigan.

 

Crisis Management Committee binuo, proyektong pabahay uunahin

Published by admin on Thu, 01/21/2016 - 15:25

Nasusubok ang galing at tatag ng isang pamunuan sa panahon ng krisis. Ang pamunuan ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr., buong tapang na hinarap ang krisis na idinulot ng bagyong Nona sa lalawigan. Ipinakita nito na kailanman ay hindi magiging talunan ang mga Mindoreño. Na hindi isang bagyong Nona lamang ang makapagpapalugmok sa maunlad at mabunga na nitong pamumuno. Sa halip, positibong pananaw ang namutawi sa mga naging pananalita ng Gobernador at ang pag-asang mabilis na makababangon ang  mga Mindoreño mula sa sinapit nito sa Bagyong Nona.

 

DA tutulong sa mga magsasakang Mindoreño - DA Sec. Alcala

Published by admin on Thu, 01/21/2016 - 15:25

Kabilang sa mga naging pagkilos ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr. upang mabilis na makabangon ang mga naapektuhan ng Bagyong Nona sa lalawigan ay ang paghingi ng tulong sa mga ahensya ng pamahalaang nasyunal na kaagad namang tinugunan ng mga ito.

 

Nakahandang tumulong ang Department of Agriculture (DA) sa abot ng makakaya nito sa mga magsasaka sa Oriental Mindoro na naapektuhan ng bagyong Nona.

 

Oriental Mindoro Health Code of 2015, aprubado sa SP

Published by admin on Fri, 01/08/2016 - 11:34

Isa sa pinakamahahalagang hakbanging panlehislatura na naipasa ng kasalukuyang Sangguniang Panlalawigan (SP) ang ordinansang nagtataguyod sa pangkalahatang kapakanan ng mga mamamayan ng Oriental Mindoro sa larangan ng kalusugan. Ito ang:

PROVINCIAL ORDINANCE NO. 57-2015

 

"AN ORDINANCE ENACTING THE COMPREHENSIVE HEALTH CODE OF THE PROVINCE OF ORIENTAL MINDORO"

AIP ng Oriental Mindoro - aprubado na sa SP

Published by admin on Fri, 01/08/2016 - 11:33

Matapos ang serye ng mga pagdinig  at masusing pag-aaral ng mga myembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, inaprubahan noong Disyembre 7 sa Bulwagang Panlalawigan ang:

 

RESOLUTION NO. 2842-2015

 

RESOLUTION APPROVING THE FY 2016 ANNUAL INVESTMENT PROGRAM (AIP) OF THE PROVINCIAL GOVERNMENT OF ORIENTAL MINDORO.

 

Dahil sa Bagyong Nona: State of Calamity, idineklara sa Oriental Mindoro

Published by admin on Fri, 01/08/2016 - 11:32

Sa bisa ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Resolution No. 2853-2015, idineklara ang buong Oriental Mindoro sa ilalim ng State of Calamity sa kasagsagan ng Bagyong Nona noong Disyembre 15.

 

Sa kapasiyahang inakda nina Bise-Gobernador Humerlito A. Dolor, Bokal Rafael L. Infantado at Bokal Martin S. Buenaventura, inaprubahan ito on mass sponsorship ng lahat ng mga Bokal ng SP.

 

MERALCO, KAAGAPAY SA MULING PAGPAPAILAW NG ORIENTAL MINDORO

Published by admin on Fri, 01/08/2016 - 11:32

Sa pakikipag-ugnayan nina Gobernador Alfonso V. Umali, Jr. at 2nd District Representative at House Committee Chair on Power and Energy Reynaldo V. Umali, kaagapay ngayon sa muling pagpapailaw ng mga bayang nasalanta ng Bagyong Nona ang MERALCO.

 

Pages