Main menu

November 2015

Kauna-unahang Youth Parliament sa Oriental Mindoro - Paghahanda sa mga susunod na lider ng bayan

Published by lewyer on Fri, 11/20/2015 - 00:00

Sa hanay ng mga kabataan magmumula ang mga susunod na lider ng bayan at mahalagang maimulat sila sa mga mahahalagang usaping kinakaharap ng kanilang sektor at sa responsibilidad na kanilang kinakaharap bilang tagapagtaguyod ng kaunlaran ng bayan.

Mula Oktubre 28-30, sa Batasang Panlalawigan, Lungsod ng Calapan, isinagawa ang 1st Provincial Youth Parliament kung saan natipon ang 70 mga kabataan na nagmula sa iba't ibang sektor ng lalawigan - ang kauna-unahang naisagawa sa rehiyon.

Pagtuklas ng Pinaka

Published by lewyer on Fri, 11/20/2015 - 00:00

Agrikultura ang pangunahing ikinabubuhay ng karamihan ng mga mamamayan ng Oriental Mindoro. Ang agrikultura, kasama ng turismo, ang dalawa sa pinakamahahalagang industriyang tinututukan at pinauunlad ng Pamahalaang Panlalawigan, sa ilalim ng pamunuan ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr.

Sa pagdiriwang ng ika-65 taong anibersaryo ng lalawigan ngayong Nobyembre, inilunsad sa kauna-unahang pagkakataon ang "Pagtuklas ng Pinaka" - ang paligsahan sa Pinakamabigat, Pinakamahaba at Pinakamalaking produktong agrikultural na mga gulay at prutas na makikita sa lalawigan.

Baragatan Festival ng Palawan - Kampeyon sa MIMAROPA Festival

Published by lewyer on Fri, 11/20/2015 - 00:00

Isang kapistahang naglalarawan sa mayamang kasaysayan at kultura ng lalawigan ng Palawan.

Sa kanilang masining na pagtatanghal, itinanghal na kampeyon sa kauna-unahang MIMAROPA Festival ang Baragatan Festival ng Palawan noong Nobyembre 14 sa Oriental Mindoro National High School (OMNHS) sa Lungsod ng Calapan. Nakuha rin ng Palawan ang award bilang Best in Musicality.

Tinanggap ng delegasyon ng Palawan, na pinamumunuan ni Palawan Governor Jose Alvarez ang P300K cash prize at tropeyo mula kina Gobernador Alfonso V. Umali, Jr. at Bise-Gobernador Humerlito A. Dolor.

Agriculture, Tourism and Trade Fair MIMAROPA Festival: The Next Big Thing in the Philippines

Published by lewyer on Fri, 11/20/2015 - 00:00

Kasunod ng pagbubukas ng 65th Founding Anniversary ng Oriental Mindoro, pormal ding binuksan ang Agriculture, Tourism and Trade Fair "MIMAROPA Festival: The Next Big Thing in the Philippines" sa loob ng Kapitolyo noong Nobyembre 9.

Pinangunahan nina Gobernador Alfonso V. Umali, Jr., Bise-Gobernador Humerlito A. Dolor ang ribbon cutting ceremonies, kasama ang iba pang mga opisyal ng lalawigan at ng mga bayan.

Sa mas pinalaking Agri-Trade Fair, exhibitors ang lahat ng mga lalawigan at syudad ng MIMAROPA.

65th Founding Anniversary ng Oriental Mindoro, tagumpay

Published by lewyer on Fri, 11/20/2015 - 00:00

Sa hudyat ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr., pormal nang pinasimulan ang isang linggong pagdiriwang ng pinakamahalagang okasyon sa lalawigan - ang ika-65 taong anibersaryo ng Oriental Mindoro noong Nobyembre 9.

Nakatutok sa tagline na "#OrMinPaMore", pinangunahan nina Gob. Umali, Bise-Gob. Humerlito A. Dolor at First District Representative Salvador C. Leachon ang programang isinagawa sa Bulwagang Panlalawigan.

SALONG DAGITAB SA KAPITOLYO, BUKAS NA

Published by lewyer on Fri, 11/20/2015 - 00:00

Sa pagtatapos ng 65th Founding Anniversary Celebration ng lalawigan ng Oriental Mindoro, nagsimula namang magningning ang gabi sa loob ng Kapitolyo sa Lungsod ng Calapan sa pagbubukas ng inaabangang Salong Dagitab 2015.

Ang Salong Dagitab, hango sa salitang katutubo na ang ibig sabihin ay “Ilaw na Kumukuti-kutitap” (flickering lights), ay nasa ika-apat na taon na ngayon. Orihinal itong konsepto ni Gobernador Alfonso V. Umali Jr. sa pakikipagtuwang ng mga hepe ng Kapitolyo.

Pages