Main menu

November 2015

65th FOUNDING ANNIVERSARY, ARAW NG PARANGAL

Published by lewyer on Fri, 11/27/2015 - 00:00

Isa sa tampok na gawain sa pagdiriwang ng 65th Founding Anniversary ng Oriental Mindoro ay ang pagbibigay parangal sa mga natatanging Mindoreno sa iba’t ibang larangan.

Noong Nobyembre 13, magkakasunod na binigyan  ng parangal ang mga natatanging Sanggunian, natatanging kawani ng pamahalaan at mga natatanging pulis na buong husay na gumanap sa tungkuling nakaatang sa kanila.

Mga estudyante ng OMNHS wagi sa Salong Dagitab Logo Design Contest

Published by lewyer on Fri, 11/27/2015 - 00:00

Napili bilang logo ng Salong Dagitab at nakatanggap ng limang libong pisong cash prize at medalya mula kay Gobernador Alfonso V. Umali, Jr. ang likhang guhit ni Madhel Mercado ng Oriental Mindoro National High School (OMNHS) sa programang ginanap sa Kapitolyo kaugnay ng muling pagbubukas ng Salong Dagitab noong gabi ng Nobyembre 15.

Kasama ni Gob. Umali sa pagkakaloob ng mga premyo si Provincial Legal Officer Atty. Kristine Grace L. Suarez, Co-Chairperson ng Salong Dagitab Executive Committee.

DABALISTIHIT FESTIVAL ng Naujan kampeon sa Sandugo Cultural Dance Showcase

Published by lewyer on Fri, 11/27/2015 - 00:00

Tinanghal na Grand Champion  ang DABALISTIHIT FESTIVAL ng bayan ng Naujan sa Sandugo Cultural Dance Showcase na ginanap sa Oriental Mindoro National High School, Lungsod ng Calapan noong Nobyembre 13 na bahagi pa rin ng pagdiriwang ng 65th Founding Anniversary ng Oriental Mindoro.

Tumanggap ang Naujan ng plake ng pagkilala mula kina Gobernador Alfonso V. Umali, Jr. at Bise-Gobernador Humerlito A. Dolor.

MATAAS NA KALIDAD NG PRODUKTO - KAILANGANG PANATILIHIN

Published by lewyer on Fri, 11/27/2015 - 00:00

Ang pagpapanatili sa mataas na kalidad ng mga produkto base sa market demands at standards, ang pagsasaayos ng mga pasilidad sa produksyon at mga suportang imprastraktura tulad ng farm-to-market roads at ang patuloy na implementasyon ng Philippine Rural Development Program (PRDP).

Ilan lamang ang mga ito sa mga natukoy na rekomendasyon ng institutional buyers sa ginanap na Market Matching noong Nobyembre 11 sa Tamaraw Hall na bahagi ng pagdiriwang anibersaryo ng lalawigan.

Pagtatanghal ng Ganda, Galing at Gilas ng Lungsod ng Calapan

Published by lewyer on Fri, 11/27/2015 - 00:00

Nagpamalas ng natatanging kulturang pagtatanghal ang lungsod ng Calapan sa unang gabi ng pagbubukas ng mga gawain kaugnay ng pagdiriwang ng 64th Founding Anniversary ng lalawigan noong Nobyembre 10.

Mga sayaw na sariling atin ang naging panimula ng pagtatanghal na binigyang buhay ng Teatrong Panglungsod na gawa ng Calapeno na kinabilangan nina Joey Antonio, Rosa Serenidad Acedillo at Rodora Barojabo.

Inawit naman ng City College Choir ang ilang awitin na orihinal ding komposisyon ng isang Calapeno, si Cecilio Nicasio.

MAHIGIT 500 MINDOREÑO, NABENEPISYUHAN NG MOBILE PASSPORTING NG DFA

Published by lewyer on Fri, 11/27/2015 - 00:00

Sa taun-taong pakikipagtuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sa Department of  Foreign Affairs (DFA) sa proyektong mobile passporting, 541 mga Mindoreño ang nakapagproseso sa mobile passporting services na isinagawa sa Kapitolyo kamakailan.

Ang mobile passporting ay ang taun-taong proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gobernador Alfonso V. Umali Jr. na pinangangasiwaan ng Education and Employment Services Division (EESD) ng Office of the Governor.

Arron Villarba - Hari ng Sandugo ng Oriental Mindoro

Published by lewyer on Fri, 11/27/2015 - 00:00

Mula sa 13 kandidatong kumatawan sa mga bayan sa lalawigan, pinarangalan bilang kauna-unahang Hari ng Sandugo si Arron Villarba ng Victoria noong Nobyembre 13 sa Oriental Mindoro National High School Grandstand, sa Lungsod ng Calapan.

Nag-1st runner up sa kumpetisyon si Edelmer John Tacasa ng Mangyan Festival ng Mansalay na nakakuha rin ng Best in Sandugo Cultural Dance Participation.

Nakuha naman si Mark Belle Nunao ng Bahaghari Festival ng Pinamalayan ang 2nd runner up, Best in Dance Presentation at isa sa Phonebytes' Choice

Sharla Santillan ng Palawan - kauna-unahang MIMAROPA FESTIVAL QUEEN

Published by lewyer on Fri, 11/27/2015 - 00:00

Kinoronahan bilang kauna-unahang MIMAROPA Festival Queen si Sharla A. Santillan ng lalawigan ng Palawan sa patimpalak na ginanap noong Nobyembre 14 sa Divine Word College of Calapan (DWCC) Gymnasium sa Lungsod ng Calapan.

Tumangap siya sash, trophy at P60K cash prize mula kina Bise-Gob. Humerlito A. Dolor at Ginang Susan Umali na maybahay ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr. Siya rin ang nakapag-uwi ng titulong Best in Dance Parade Participation at Best in Dance Presentation.

Oriental Mindoro – 15th Most Competitive Province

Published by lewyer on Fri, 11/27/2015 - 00:00

Tinanggap ng Oriental Mindoro ang parangal bilang 15th Most Competitive Province sa 3rd Annual Regional Competitiveness Summit - Cities and Municipalities Index.

Nakuha ng lalawigan ang nabanggit na pwesto mula may 68 lalawigan mula sa buong bansa na sumalang sa patimpalak.

Ang parangal ay pormal na tinanggap ni Provincial Administrator Nelson B. Melgar mula kay Department of Trade and Industry (DTI) Regional Director Joel Valera noong Nobyembre 11 sa Tamaraw Hall sa Kapitolyo.

PARUSA SA LALABAG SA RA 10654 NG PANGINGISDA, PINABIGAT

Published by lewyer on Fri, 11/20/2015 - 00:00

Naging mas malinaw sa hanay ng mamamahayag ang usapin hinggil sa naamyendahang RA8550 o ang Philippine Fisheries Code of 1998, ang ngayo’y Republic Act 10654 ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Ito ay matapos isinagawa ang Media Conference sa City Garden Suites, Ermita  Maynila,  noong Oktubre 26-28 na dinaluhan ng media practitioners mula sa iba't ibang panig ng bansa.

"Sa Oriental Mindoro, Tara na" - nagwaging 65th Anniversary Theme Song

Published by lewyer on Fri, 11/20/2015 - 00:00

Sumikat sa mga programa ng ika-65 taon ng pagkakatatag ng Oriental Mindoro ang masiglang awitin ng "Sa Oriental Mindoro, Tara na". Ito ang komposisyong awiting napagwagian ng Tribung Ma-it ng bayan ng San Teodoro sa Oriental Mindoro 65th Founding Anniversary Celebration Song Writing Competition na ginanap sa Bulwagang Panlalawigan.

Ang orihinal na komposisyon ay binuo ng magkapatid na Jeric at Janeth Melendrez. Kasama nilang nagtanghal si Jermaine Caganay bilang male vocalist. Ang grupo ay nanalo mula sa 10 kalahok mula sa iba't ibang bayan ng lalawigan.

Gender Planning and Budgeting para sa mga ahensya ng pamahalaan, isinagawa

Published by lewyer on Fri, 11/20/2015 - 00:00

Sa ilalim ng ipinatutupad ng Magna Carta of Women (MCW), nasasaad na kinakailangang itiyak ng mga opisyal at empleyado ng Pamahalaan na napapaloob sa local policy making, planning, programming, budgeting, implementation at monitoring ang gender and development.

Gender Mainstreaming ang proseso ng pagtukoy sa mga usaping nakaaapekto sa mga kababaihan at kalalakihan, partikular ang wasto at nararapat na pagtanggap ng mga programa at serbisyo ng pamahalaan at ang paglalatag ng mga plano at programa upang ang mga ito ay masolusyunan.

Pages