Main menu

October 2015

OMNHS BANDA KAWAYAN KAKATAWAN SA PILIPINAS SA INTERNATIONAL SEAMEO SONG ANGKLUNG CONTEST

Published by lewyer on Fri, 10/23/2015 - 00:00

Sasabak ang Oriental Mindoro National High School (OMNHS) Banda Kawayan bilang isa sa mga kinatawan sa Pilipinas sa International SEAMEO Song Angklung Contest na inorganisa ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO).

Ang Oriental Mindoro National High School Banda Kawayan ay ang naorganisang grupo ng naturang paaralan sa ilalim ng Special Program in the Arts (SPA) Curriculum ng Department of Education. Pinangangasiwaan ang grupo ni OMNHS Master Teacher (MT) I at Music Trainer Emmanuel C. Alveyra.

MGA PANANIM NA PUNONGKAHOY NAKAHANDA SA PROVINCIAL NURSERY

Published by lewyer on Fri, 10/23/2015 - 00:00

Nakahanda ang mga pananim na punongkahoy sa Provincial Nursery ng Environment and Natural Resources Office (ENRO) para sa sinumang nangangailangan nito. 

Ito ang ipinahayag ni ENRO Maximino Jumig sa isang panayam kamakailan.  Sinabi niya na may 150,000 na pananim na punongkahoy ang inihahanda ng nursery para sa mga proyekto ng pagtatanim at pangangailangan ng lalawigan bawat taon.

PDRRMC, NADAGDAGAN NG APAT PANG KASAPI

Published by lewyer on Fri, 10/23/2015 - 00:00

Maliban sa mga municipal disaster risk reduction council, nadagdagan pa ng kasapi ang PDRRMC na idineklara sa ginanap na pagpupulong nito kamakailan.

Pinangunahan ang pagpupulong ni PDRRMC Chairman Gob. Alfonso V. Umali, Jr. at ni OIC PDRRMO Vincent Gahol.

Ang mga nadagdag na kasapi ay ang Calapan Labor Service Development Cooperative, Philippine Ports Authority (PPA), Oriental Mindoro Medical Society at Or. Mindoro Disaster Youth Volunteer.

Kandidata para sa Search for Ms. Oriental Mindoro 2015, ipinakilala na

Published by lewyer on Fri, 10/23/2015 - 00:00

Ipinakilala na ng Ms. Oriental Mindoro Charities, Inc. (MOMCI), na pinamumunuan ni MOMCI Chairperson Rona Leachon, maybahay ni 1st District Cong. Salvador Leachon, ang mga dalagang Mindoreña na lalahok para sa patimpalak sa Search for Ms. Oriental Mindoro 2015.

Sa SP Boardroom noong Oktubre 3 sa pagpapadaloy ni Max Closa at pamamahala ng mga kasapi ng MOMCI na naroon noong araw na iyon, isa-isang rumampa ang mga kandidata na nagmula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng lalawigan.

Alay Lakad 2015 - Matagumpay na naisagawa

Published by lewyer on Fri, 10/23/2015 - 00:00

Muling nagsama-sama noong Setyembre 30, ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan, National Agencies, Philippine National Police (PNP), mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa Lungsod ng Calapan, mga guro, at iba pang konsernadong grupo at indibidwal sa taunang Alay Lakad na sumentro sa temang "Alay Lakad Para sa Kinabukasan".

Isinasagawa ang gawain taun-taon upang makakalap ng pondo ang Alay Lakad Foundation (ALF) bilang pag-alalay sa mga out of school youth (OSY) na kwalipikado at determinadong makapagtapos ng kanilang pag-aaral.

Holy Infant Academy, nanguna sa Tamaraw Biodiversity Quiz

Published by lewyer on Fri, 10/23/2015 - 00:00

Muli na namang nakuha ng Holy Infant Academy (HIA) ang unang pwesto sa taunang Biodiversity Quiz kaugnay sa pagdiriwang ng Tamaraw Month noong Oktubre 15 sa Tamaraw Hall, Capitol Complex.

Oriental Mindoro idineklarang Conflict-Manageable and Ready for Further Development ng Phil. Army

Published by lewyer on Fri, 10/23/2015 - 00:00

Isa na namang karangalan ang natamo ng Oriental Mindoro sa pagkaka-deklara dito na Conflict Manageable and Ready for Further Development ng Philippine Army.

Kaugnay nito, lumagda sina Gobernador Alfonso V. Umali, Jr. at 2nd Infantry Division Commander Major General Romeo G. Gan ng Philippine Army sa Memorandum of Understanding hinggil sa nabanggit na deklarasyon sa seremonyang ginanap sa Tamaraw Hall ng Kapitolyo noong Oktubre 8.

PAMANA PEACE CARAVAN naghatid ng serbisyo ng pamahalaan sa Gloria

Published by lewyer on Fri, 10/09/2015 - 00:00

Isa na namang programang lingkod serbisyo ng pamahalaan ang ipinagkaloob sa bayan ng Gloria ng PAMANA o Payapa at Masaganang Pamayanan Program na itinataguyod ng Office of the Presidential Adviser on Peace Process (OPAPP) sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan, Pamahalaang Bayan at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Isinagawa ang nabanggit na programa na isang multi-service peace caravan sa Brgy. Buong Lupa sa Gloria noong Setyembre 9 na may temang “Pagkakaisa Tungo sa Patuloy na Kapayapaan at Kaunlaran”.

Tuklas Kasaysayan 2015 Provincial Quiz Bee, isasagawa

Published by lewyer on Fri, 10/09/2015 - 00:00

Isa sa magiging tampok na gawain kaugnay ng pagdiriwang ng 65th Founding Anniversary ng Oriental Mindoro ang Tuklas Kasaysayan 2015 Provincial Quiz Bee na magkatuwang na itinataguyod ng Pamahalaang Panlalawigan at ng Department of Education Oriental Mindoro at Calapan City Divisions.

Ang quiz bee ay bukas para sa lahat ng estudyante mula sa mga paaralang elementary at secondary sa lalawigan. Manggagaling naman sa kasaysayan, kultura at heyograpiya ng Oriental Mindoro ang magiging mga katanungan.

Bamboo Arch Making Contest, magbibigay-kulay sa 65th Founding Anniversary ng Oriental Mindoro

Published by lewyer on Fri, 10/09/2015 - 00:00

Sa kauna-unahang pagkakataon, ilulunsad ang Bamboo Arch Making Contest sa Oriental Mindoro na magbibigay-kulay sa darating na anibersaryo ng lalawigan ngayong darating na Nobyembre.

Ang patimpalak na lahukan ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan at pangangasiwaan ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) ang patimpalak.

Sa unang linggo ng Nobyembre, isasagawa ang judging ng mga kalahok at sa ika-13 naman ng Nobyembre iaanunsyo ang mga mananalo.

PHOTO EXHIBIT, MAGTATAMPOK SA GANDA AT GALING NG ORIENTAL MINDORO

Published by lewyer on Fri, 10/09/2015 - 00:00

Sa pagdiriwang ng ika-65 na taong pagkakatatag ng Oriental Mindoro sa darating na Nobyembre, isa sa mga magiging tampok na gawain ang Photo Exhibit na nagtatanghal sa pinakamagagandang larawan ng lalawigan mula sa iba't ibang sektor at larangan.

Layunin ng gawain na maipakita ang mayamang kultura at kasaysayan ng lalawigan, gayundin ang pinakamagagandang tourism spots at historical sites dito, at ang mga yamang agrikultural ng Oriental Mindoro.

Layunin din ng gawain na mahikayat ang mga lokal at dayuhang turista at mamumuhunan na dumalaw at mamuhunan sa lalawigan.

Mag-aaral ng Gloria Central School, wagi sa Tamaraw Month Poster-Making Contest

Published by lewyer on Fri, 10/09/2015 - 00:00

Nakuha ni Patricia A. Jamilla ng Gloria Central School ang first place at premyong P5,000, medalya at tropeyo sa Poster Making Contest na isinagawa bilang kick-off activity sa pagdiriwang ng Tamaraw Month noong unang araw ng Oktubre.

Nanguna si Patricia sa 28 mga mag-aaral mula sa iba't ibang paaralan sa lalawigan sa patimpalak na pinangasiwaan ng Environment and Natural Resources (ENRO) na pinamumunuan ni ENRO Mike Jumig.

Pages