Main menu

September 2015

Gawad Mahalta 2015: Dangal ng Oriental Mindoro

The Divine Word College of Calapan and the Provincial Government of Oriental Mindoro announce the commencement of nomination and application for the Gawad MAHALTA 2015: Dangal ng Oriental Mindoro. Gawad MAHALTA aims to recognize the exemplary achievements of Oriental Mindoreños as well as to acknowledge their contributions in the development and promotion of the province. It also envisions to inspire others in achieving excellence in every endeavor and to uphold the ideals and values expected of every Oriental Mindoreño.  

KASAYSAYAN NG BAYAN NG NAUJAN

Published by lewyer on Fri, 09/18/2015 - 00:00

Ayon sa kasaysayan, unang naitatag ang bayan ng Naujan noong 1639 sa ilalim ng Royal Decree ni Haring Philip II ng Espanya. Subalit bago dumating ang mga Espanyol sa bayang ito, sinasabing ang mga taong nadatnan dito ay ang mga Intsik, base sa mga natagpuang naiwang labi ng mga kagamitan at likhang sining mula pa sa dinastiyang Sung, Yuan at Ming.

Ayon naman sa alamat, nagmula ang pangalang Naujan sa salitang “NAUHAO”. 

Paglalagay ng Lactation Stations sa mga opisina at mga establisyamento, inoobliga ng PHO

Published by lewyer on Fri, 09/18/2015 - 00:00

Pinakamasustansya pa rin ang gatas ng ina para sa mga sanggol na bagong panganak hanggang edad dalawang taon at hindi ito kayang tumbasan ng kahit na anong artificial milk formula na mabibili sa mga botika at tindahan.

Ito ang konsepto ng Republic Act No. 10028 o ang "Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009".

Upang maitiyak ang implementasyon ng batas sa lahat ng panig ng bansa, nasasaad sa Section III nito ang paglalagay ng Lactation Stations sa lahat ng health and non-health facilities, mga establisyamento at mga institusyon.

MGA GAWAIN SA TAMARAW MONTH CELEBRATION, NAKAKASA NA

Published by lewyer on Fri, 09/18/2015 - 00:00

Kasado na ang mga magiging gawain para sa pagdiriwang ng Buwan ng Tamaraw ngayong Oktubre. Sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 273, idinedeklara ang buwan ng Oktubre bawat taon bilang natatanging buwan para sa pangangalaga at proteksyon ng mga Tamaraw ng Isla ng Mindoro”.

Nasasaad sa proklamasyong ito ang mga polisiya para sa pangangalaga, proteksyon, at pagpapahalaga sa mga yamang gubat, lalo na sa mga endemic species na dito lamang sa ating lalawigan matatagpuan.na maaari ng mapakinabangan ng kasalukuyang henerasyon at ng mga kabataan ng darating pang henerasyon. 

Mga nag-aalaga ng kambing, pinaalalahanan ng ProVet

Published by lewyer on Fri, 09/18/2015 - 00:00

Nagbigay ng tagubilin ang Provincial Veterinary Office (PROVET) sa pamumuno ni Dr. Grimaldo Catapang  hinggil sa  pangangalaga  ng  kambing upang maiiwas sa mga sakit na posibleng  tumama  sa  mga ito.

MGA MINDOREÑO, PINAG-IINGAT SA DENGUE

Published by lewyer on Fri, 09/18/2015 - 00:00

Ang Provincial Care Council na pinagtutuwangan ng Simbahan, Pamahalaang Panlalawigan at pribadong sektor ang nagsisilbing takbuhan ng mga may hinaing na sektor. Dito rin sama-samang pinagsisikapang maresolba  ng mga konsernadong ahensya ang mga idinudulog na usapin at suliranin.

Sa buwanang Provincial Care Council meeting kamakailan,  pinag-iingat ngayon ng Provincial Health Office (PHO) ang mga mamamayan sa sakit na dengue matapos na may maitalang kaso nito sa ilang bayan. Isa ang PHO sa mga tanggapan na kasapi sa Provincial Care Council.

2015 LOGO MAKING CONTEST TAMPOK SA 65TH FAC

Published by lewyer on Fri, 09/11/2015 - 00:00

Isa sa pinakatampok na gawain bago sumapit ang nalalapit na selebrasyon ng 65th Founding Anniversary ng lalawigan ngayong darating na Nobyembre ang 2015 Logo Making Contest, na ilulunsad ngayong Setyembre.

Pagwo-work out, isang mabisang panlaban sa stress

Published by lewyer on Fri, 09/11/2015 - 00:00

Pinakamalaking porsyento na mga pinagmumulan ng stress ay sa trabaho. Kaakibat nito ang responsibilidad na nakaatang sa hawak na posisyon. Sa isang responsableng manggagawa, ninanais niya ang isang epektibo at episyenteng paggampan sa responsibilidad na kaakibat ng kanyang posisyon upang masabing karapat-dapat sa hinahakawang posisyon. Sapagkat kung hindi ito magagampanan nang naaayon sa inaasahan sa posisyong hinahawakan natin, mahirap na tayong pagtiwalaan pang muli.

Produksyon at seguridad sa pagkain, itiniyak ng PAGO at NFA

Published by lewyer on Fri, 09/11/2015 - 00:00

Ang maitaas ang produksyon ng mga pangunahing produktong agrikultural at maitiyak na may sapat na suplay ng mga ito ang isinisiguro ng Provincial Agriculture Office (PAGO) at National Food Authority (NFA).

Ito ang kapwa binigyang-diin nina Provincial Agriculturist Christine M. Pine at NFA Assistant Provincial Manager Roger Lumpas sa pinakahuling buwanang press conference ng Capitol Press Corps (CPC) na pinamumunuan ni Board of Director Chairman Jerry J. Alcayde na ginanap noong Agosto 25 sa Kapitolyo.

Mga istratehiya sa pagtanggap ng mga turista, paksa sa team building seminar

Published by lewyer on Fri, 09/11/2015 - 00:00

Dahil patuloy ang pag-unlad ng lalawigan ng Oriental Mindoro kasabay ng pagsusulputan ng mga malalaking resort at establisyamento rito, kinakailangan ang mabuting pagharap at pagtanggap ng mga Mindoreño sa mga turista sa lalawigan.

Ito ang binigyang-diin ni Supervising Labor and Employment Officer Miriam E. Miravite ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board IV-B sa ginanap na Management Committee Team Building seminar sa Laguna kamakailan.

PNP, nagdiwang ng ika-114 taong anibersaryo Bise-Gob. Dolor, isa sa mga pinarangalan

Published by lewyer on Fri, 09/11/2015 - 00:00

Binigyang-parangal ng Philippine National Police (PNP) sa pagdiriwang ng kanilang ika-114 taong anibersaryo ng pagkakatatag ang mga naging katuwang ng kanilang ahensya sa pagpapatupad ng mga programang pangkapayapaan sa ginanap na seremonya sa PRO MIMAROPA Camp Efigenio C. Navarro, Lungsod ng Calapan, noong Agosto 24.

Isa sa mga pinarangalan bilang Civilian Awardees si Bise-Gobernador Humerlito A. Dolor bilang pagkilala sa kanyang mga napanagumpayan sa pagiging chairperson ng Police Regional Office MIMAROPA Regional Advisory Council.

Araw ng Pagpapahiwatig ng 65th Founding Anniversary, matagumpay na inilunsad

Published by lewyer on Fri, 09/11/2015 - 00:00

Matagumpay na nailunsad ang Araw ng Pagpapahiwatig, ang simula ng 65-Day Countdown Ceremony para sa pagdiriwang ng 65th Founding Anniversary ng Oriental Mindoro sa Nobyembre 15.

Idinaos sa Bulwagang Panlalawigan noong Setyembre 11, sinimulan ang programa sa panalangin na sinundan ng Pambansang Awit at Martsa ng Oriental Mindoro na pinangunahan ng PGOM Chorale.  Kasunod nito, nagpamalas ng natatanging bilang ang Oriental Mindoro National High School Dancers na nagpakita ng mga sayaw mula 1950’s hanggang sa kasalukuyan.

Pages