With all these perks, ease and scenery, your stay in Oriental Mindoro guarantees a memorable experience for you and your family. You will also experience the warmth and hospitality of the peace-loving Mindoreņos.
Come and explore Oriental Mindoro...
The Golden Island!
MGA DAAN NG KAUNLARAN.
Patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagbubukas ng mga bagong kalsada sa iba?t ibang panig ng lalawigan, katulad sa Brgy. Sta. Maria Village, Puting Tubig, Comunal, at Masipit sa Lungsod ng Calapan; ang Dangay
Road sa bayan ng Roxas; at ang Villa Celestial Road sa Mansalay. Ang mga kalsadang ito ang patunay sa hangarin ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr., at sa suporta ng iba pang
opisyal ng lalawigan at ng bawat bayan at barangay, na maitaguyod ang kaunlaran sa iba?t ibang panig ng lalawigan. Ang mga kongkretong lansangang ito ang higit na magpapabilis sa daloy ng kaunlaran sa mga barangay ng Oriental Mindoro.
TULONG PANGKABUHAYAN.
Ang mabigyan ng kakayahan ang mga mamamayan na maitaguyod ang kanilang kabuhayan at maiangat ang uri ng kanilang pammuhay ang magkatuwang ngayong isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro,
sa pangunguna ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr., sa suporta ni 2nd District Congressman Reynaldo V. Umali, at iba pang mga opisyal ng lalawigan. Sa larawan, pinangunahan nina Gov. Umali at Cong. Umali ang pamamahagi ng 86 na makina ng
mga bangkang de motor sa mga mangingisda at ilang Bantay Dagat mula sa bayan ng Bongabong.
NATATANGING LINGKOD-BAYAN.
Muling pinarangalan ang mga natatanging kasapi ng Philippine National Police (PNP) sa lalawigan bilang pagkilala sa kanilang mahusay na pagganap sa kanilang tungkulin at mahahalagang kontribusyon sa
pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan. Sila ay sina (ikalima mula kaliwa) SPO1 Rosalinda C. Mamburan, Police Chief Inspector Neil R. Apostol, Police Senior Inspector Anthony J. Ramos, SPO1 Severino U. Paala at
SPO1 Reden P. Dueņas. Kasama sa larawan sina PHRMO at Acting Chairman ng search Gng. Elisa O. Paala, Prov?l Administrator Angel M. Saulong, PNP Prov?l Dir. P/SSupt. Anthony S. Alcaņeses, Bokal Romeo G. Infantado at Executive Assistant Dr. Marpheo E. Marasigan.
GLOBALLY-COMPETITIVE.
Umabot sa 204 na mga guro, empleyado, pulis, newly graduates at TESDA NC2 passers ang nagsipagtapos sa Specialized Enhancement Course for HighSchool Teachers-Advanced Courses in Competitive English for Teachers (SPEECH-ACCENT) at English
Language Proficiency-Pronounciation Power (ELP-ProPow) sa Language Skills Institute (LSI) sa Kapitolyo. Disyembre 12 sa Benedictine Nuns sa Salong, Calapan City, nang isa-isang tumanggap ng sertipiko ang mga nagsipagtapos mula kina Gobernador Alfonso V. Umali, Jr.,
DepEd Schools Division Supt. Estrellita A. Dolor at TESDA Regional Operations Division-OIC Azuncion Ordoņa. Dumalo rin sa okasyon sina Bise-Gob. Humerlito A. Dolor Malampaya Foundation Program Manager Teddy Bolivar, at Supt. William Destura ng PNP. Pinangangasiwaan
ni Gng. Olivia Palomaria ang Language Learning Program na naglalayong higit na paunlarin ang kasanayan ng mga guro at iba pang participants sa wikang Ingles at upang maging competitive ang mga Mindoreņo, lalo pa?t isa sa malalaking industriya ngayon ay ang outsourcing
services kung saan kabilang ang call centers.
PEOPLE'S DAY.
Tuwing Lunes sa Kapitolyo, personal na hinaharap ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr., kasama ang mga hepe ng iba't ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ni Provincial Administrator Angel M. Saulong, ang mga mamamayang lumalapit sa Kapitolyo. Sinisikap
bigyan ng Gobernador at mga opisyal ng kagyat na tugon at tulong ang mga pangangailangan at suliranin ng mga mamamayan mula sa iba?t ibang panig ng lalawigan. Isa ito sa mga pamamaraan ni Gob. Umali upang mailapit sa mga mamamayan ang mga serbisyo at paglilingkod ng Kapitolyo.